Siya si Jayda Avanzado ang Napakagandang Anak Nina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado

Sino ba naman ang hindi nakakilala sa sikat na “Phenomenal Diva” at “Jukebox Queen of 90’s” na si Jessa Zaragoza? Kilalang kilala ito dahil sa mga awitin niyang tumatak sa mga puso at isip ng mga tao. Isa na sa mga pinaka popular na kanta niya ang “Bakit pa” na naging numero unong ballad song sa Pilipinas noon.

Bukod sa kaniyang angking galing sa pagkanta at pag-arte ay hindi rin maitatago ang kaniyang kagandahan. Kaya naman hindi na siya pinakawalan ni Dingdong Avanzado na katulad rin niyang singer at dating politician. Sa kanilang pagmamahalan ay nagbunga ng isang napakagandang angel na si Janelle Amanda Avanzado.

Image courtesy: Instagram/JessaZaragoza



Ngayon ay isa na ang kanilang anak sa mga hinahangaan ng kabataan at maging ang mga nakakatanda. Si Janelle Amanda o mas kilala sa showbizness na Jayda, ang napakagandang anak nina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado na talaga namang inaabangan ng mga netizens.

Image courtesy: Instagram/JaydaAvanzado
Image courtesy: Instagram/JaydaAvanzado

Hindi na rin ito nakakapagtaka dahil nagmula siya sa mga pamilya na may magandang kutis, itsura at pangangatawan. Bukod rito namana niya ang galing sa pagkanta ng kaniyang mga magulang.

Sa katunayan kabilang si Jayda sa ASAP sa noontime show tuwing Linggo sa ABS-CBN. Makikita ito na kasama ang mga miyembro na si Ylona Garcia, Lala Vinzon, Jeremy Ginoga at Kyle Echarri.

Image courtesy: Instagram/JaydaAvanzado



Image courtesy: Instagram/JaydaAvanzado

Bukod rito, sa edad na sixteen year old ay nakabuo na rin si Jayda ng kaniyang sariling album noong nakaraang taon na inilabas sa kaniyang debut single na pinamagatang “Text”.

Image courtesy: Instagram/JessaZaragoza

Ngunit kahit na maraming humahanga sa kaniya, hindi pa rin maiiwasan na husgahan siya ng ibang netizens. Kamakailan lamang ay nakaranas ng bullying at life-threatening comments si Jayda sa ilang mga netizens kaya naman umaksyon ang kaniyang Ina at nagsalita ito upang ipagtanggol ang kanilang anak.

Image courtesy: Instagram/JaydaAvanzado

Ayon kay Jessa, below the belt na ang kamakailang mga comments at messages sa kaniyang anak galing sa mga bashers. Kaya naman hindi ito napigilan na sumagot dahil sumosobra na sila sa pangungutya sa batang aktres na kung saan ay wala naman silang karapatan na pagsalitaan ito ng masama.

Image courtesy: Instagram/JaydaAvanzado

Gayon pa man, marami pa ring tagahanga at fans si Jayda na sumusuporta sa kaniyang pagsikat sa industriya dahil hindi lamang ganda ang mayroon ito, kundi pati na rin ang angking talento na namana niya sa kaniyang mga magulang.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *