Komedyante na si Wacky Kiray, Ipinasilip ang Kaniyang ‘Dream House’ sa Publiko

Si Wacky Kiray o Ricardo J. Balarosa Jr. sa totoong buhay ay isa sa mga magagaling na komedyante sa industriya ng show business. Nag-umpisa siya bilang isang stand-up comedian at host hanggang sa madiskubre ang kaniyang talento sa pag-arte at maging isa ring artista.

Mas lalo siyang nakilala nang publiko matapos niyang manalo sa isang celebrity talent competition ng ABS-CBN noong 2017 na “I Can Do That”. Iniuwi niya ang titulong ‘The Greatest Entertainer’ at simula noon ay nagsunod-sunod na ang kaniyang mga proyekto.

Image couttesy: Instagram/WackyKiray



Sa kasalukuyan ay napapanood siya bilang isa sa mga co-host ni Luis Manzano sa palabas na “I Can See Your Voice” at mayroon ding mga pagkakataon na napapasama siya sa iba pang programa ng ABS-CBN.

Image courtesy: Instagram/WackyKiray

Dahil nga sa sipag at determinasyon ni Wacky Kiray sa kaniyang napiling propesyon sa buhay ay nakamit niya rin sa wakas ang pangarap na makapagpatayo ng kaniyang ‘dream house’.

Image couttesy: Instagram/WackyKiray

Sa isang episode ng Magandang Buhay ay ibinahagi ni Wacky Kiray ang ilang parte ng kaniyang bahay na matatagpuan sa Quezon City. Mayroon itong apat na palapag at sukat na aabot hanggang 55 square meters. Bawat palapag nito ay mayroong kani-kaniyang gamit kagaya na lamang ng isang palapag kung saan matatagpuan ang kaniyang sala, kusina at dining table.

Image couttesy: Instagram/WackyKiray



Image couttesy: Instagram/WackyKiray

Samantala, sa ikatlong palapag naman ay nandoon ang kaniyang master’s bedroom at sariling walk-in closet. Habang sa gilid ng kaniyang kwarto ay makikita ang isang malaking kabinet na pinaglalagyan niya ng koleksiyon ng mga mamahaling sapatos.

Image couttesy: Instagram/WackyKiray
Image couttesy: Instagram/WackyKiray

Ang kaniyang bedroom ang isa sa pinaka gusto niya sa parte ng kaniyang bahay dahil tinuuan niya itong pagandahin upang sa tuwing galing siya sa trabaho o taping ay makaka-relax siya ng husto. Isa rin sa magandang parte ng bahay ni Wacky Kiray ay ang kaniyang rooftop na mayroong over-looking view ng kanilang lugar. Makikita dito ang ihawan, ilang mga upuan at mesa na madalas gamitin nina Kiray at nang kaniyang mga kaibigan kapag gusto nilang mag-bonding.

Image couttesy: Instagram/WackyKiray
Image couttesy: Instagram/WackyKiray

Kung noon nga ay nagsisiksikan sila sa kanilang maliit na bahay at halos hindi makatulog ng maayos kapag tumutulo ang kanilang bubong, ngayon ay maganda na ang tirahan ni Wacky at maging ang kaniyang mga magulang ay nabilhan niya na rin ng sariling lupa at bahay.

Image couttesy: Instagram/WackyKiray
Image couttesy: Instagram/WackyKiray

Talaga namang maraming pagpapala ang nakakamit ng mga taong mapagmahal sa mga magulang lalo na at sinasamahan pa ito ng sipag at tiyaga sa trabaho. Isang patunay lang dito si Wacky Kiray na nagmula rin sa isang payak na pamilya na tinrabahao ang kaniyang success hanggang sa naabot niya ito at naibahagi sa kaniyang pamilya at mga mahal sa buhay.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *