Kilalanin ang anak ni Mayor Isko Moreno na mayroong agaw-pansin na kagandahan

Si Mayor Isko Moreno ay isa sa mga kilalang pulitiko sa ating bansa. Ito ay hindi lamang dahil sa taglay niyang ka-gwapuhan kundi dahil na rin sa paraan ng kanyang pamamahala na naglalayong mapabuti ang kapakanan ng kaniyang mga nasasakupan.

Image courtesy: Frances Domagoso/Instagram



Sa katunayan ay marami sa ating mga mamamayan ang masaya sa pamamalakad ng kanilang bagong Mayor lalo na at kitang-kita ang malaking pagbabagong naidulot niya sa lugar ng Maynila.

Bago pa man ito maging isang Mayor ay nakaranas muna si Isko na maging isang artista at gumawa ng mga pelikula na tinangkilik naman ng mga manonood dahil sa galing nito at sa kaniyang napaka gwapong itsura.

Ikinasal siya kay Diana Lynn Ditan at sa biyaya ng Panginoon ay nagkaroon sila ng limang anak na sina Vincent Patrick, Frances Diane, Joaquin Andre, Franco Dylan at Drake Marcus. Madalas siyang maging laman ng usap-usapan sa social media dahil na rin sa “good vibes” na dala niya sa publiko.

Maging ang kaniyang nag-iisang anak na babae na si Frances ay pinagkaguluhan din ng mga netizens dahil na rin sa taglay nitong karisma at ganda na talaga namang nakaka-agaw ng pansin.

Image courtesy: Frances Domagoso/Instagram



Si Frances ay ipinanganak noong taong 2000 at marami ang nagsasabi na malaki ang pagkakahawig niya sa amang si Mayor Isko Moreno lalong-lalo na ang mga mata nito.

Sa kasalukuyan ay nag-aaral siya sa Saint Pedro Poveda College at kapansin-pansin sa kaniyang mga larawang ibinabahagi sa social media account ang pagkahilig nito sa dagat at pamamasyal sa magagandang lugar sa loob at labas ng bansa. Madalas din siyang makita na kasama ang kaniyang ina lalo na at wala rin siyang ibang kapatid na babae.

Bilang nag-iisang anak na babae ay protektado siya ng kaniyang mga magulang lalo na ng kaniyang nakakatandang kapatid na si Vincent.

Sa katunayan, sa isang panayam ni Boy Abunda kay Mayor Isko ay tinanong nito kung ano ang masasabi niya sa mga lalaking nagbabalak manligaw sa kay Frances at ito ang kaniyang naging pahayag ni Isko.

Image courtesy: Frances Domagoso/Instagram

“Ehem..ehem.. Mayor ang Tatay nun ah!,” pabiro ni Isko.

Dahil nga sa taglay na talento at ganda ni Frances ay marami sa mga netizens ang nagsasabing pwedeng-pwede siyang maging artista kagaya ng kaniyang ama. Ngunit mukhang matatagalan pa ang bagay na ito lalo na at mas prioridad ng dalaga ang kaniyang pag-aaral.

Sa ngayon ay nakatutok lamang si Frances sa kaniyang edukasyon at wala pa itong balak na pumasok sa industriya ng showbiz.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *