Isang Grade 5 Student ang matapang na nag-apply ng Trabaho sa isang Opisina upang may pambayad para sa kanyang school project

Isa sa mga kinakatakutan ng ilan nating kababayan sa pag-apply ng mga trabaho ay ang pagharap sa isang ‘interview’. Madalas ay kabado silang dumadating sa opisina ng kompanya kasabay ang panalanging makasagot sila ng maayos sa bawat tanong na ibabato sa kanila.

Image courtesy: Chriszel Vicente/Facebook



Ngunit kakaiba ang isang estudyanteng ito na nagmula sa General Santos City. Naging viral siya sa social media matapos ibahagi ng isang kompanya kung papaano siya nag-apply ng trabaho sa kanilang opisina.

Nakilala ang bata bilang si Kervy James Villarejo, Grade 5 Student sa Jose Catolico Sr. Elementary School sa siyudad ng GenSan. Ang kaniyang kwento ay naibahagi sa Facebook post ng concerned netizen na si Chriszel S. Vicente matapos niyang makita ang bata sa kanilang opisina sa Charter Ping An Insurance Corporation – GenSan branch, suot-suot ang kaniyang uniporme at bag.

Sinadyang pumunta ni Kervy sa nasabing kompanya para magtanong kung naghahanap ba sila ng empleyado na tagapaglinis ng kanilang opisina o kung ano pa mang trabaho na maari niyang gawin.

Image courtesy: Chriszel Vicente/Facebook



Nagulat ang lahat sa narinig na mga salita mula sa bata kaya naman minabuti nilang tanungin ito kung ano ang dahilan bakit gusto niyang magtrabaho. Seryoso ang bata sa pagtitig sa mga taong nagtatanong sa kaniya at agad niyang sinabi na kailangan niya ng trabaho para kumita ng pera na ipapambili niya ng mga proyekto sa paaralan.

Agad namang naantig ang puso ng single mom na si Chriszel kaya naman hindi siya nag-atubiling tulungan si Kervy. Hindi man ito naglinis sa kanilang opisina ay nakatanggap naman siya ng sapat na pera para sa mga materyales na bibilin niya.

Abot-tenga nga ang ngiti ng bata at matapos magpasalamat ay nangako siyang babalik muli sa opisina para ipakita ang natapos niyang ‘school project’.

Samantala, dahil sa pagiging trend ng kwento ni Kervy ay sunod-sunod ang mga natanggap niyang tulong mula sa mga netizens. Ang isa pa nga sa kanila ay nagpadala ng 5,000 pesos para pandagdag sa allowance ng bata.

Naging magandang halimbawa din si Kervy sa bata man o matanda dahil sa kaniyang determinasyon at pagsusumikap na magtrabaho para kumita ng pera sa halip na mamalimos sa kalye o maging pabigat sa ibang tao.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *