Ipinasilip ni Jinkee Pacquiao ang itsura ng kanilang Simple ngunit Eleganteng Christmas Tree

Napakasarap sa pakiramdam na sa tuwing sasapit ang kapaskuhan ay excited ang mga Pinoy na maglagay ng mga Christmas Decorations sa kanilang bahay na siyang nakakapagbigay ng pakiramdam na papalapit na ang pasko.

Image Courtesy: Instagram/JinkeePacquaio



Ang ilan sa atin ay talaga namang pinagkakagastusan taon-taon ang pagbili ng mga decorations na ito na siyang inilalagay sa kanilang bahay. Katulad na lamang ng mga ilang artista na madalas magbahagi ng mga litrato ng kanilang Christmas Decorations tuwing pasko na kung saan ang ilan ay bumibili ng mga napakalaking Christmas tree at napakaraming Christmas Lights na pang disenyo sa kanilang bahay.

Kung sa ibang mga artista ay palakihan at padamihan ng Christmas Decors, si Jinkee Pacquiao naman ay simple lamang ang kaniyang Christmas Decorations subalit sobrang elegante naman ito kung titignan.

Image Courtesy: Instagram/JinkeePacquaio

Hindi mapagkakaila na si Jinkee ang isa sa pinaka bonggang celebrity sa showbusiness dahil na sa kaniyang mamahaling fashion outfits at designer bags. Subalit hindi lamang ang kaniyang OOTD ang kaniyang pinaghahandaan, kung hindi pati na rin pala ang pag decorate sa kaniyang bahay tuwing kapaskuhan.

Image Courtesy: Instagram/JinkeePacquaio



Upang maramdaman ang Christmas vibes sa kanilang bahay, ibinahagi ni Jinkee Pacquiao na kakatapos lamang ma-decorate ng kanilang Christmas tree na may temang White, Pink at Gold.

Image Courtesy: Instagram/JinkeePacquaio

White tree ang napiling kulay ni Jinkee na siyang binagayan ng mga pink flamingo decorations at mga eleganteng Christmas flowers na may kulay blush at rose gold na nakasabit sa kanilang Christmas tree.

Image Courtesy: Instagram/JinkeePacquaio

Kung titignan ay simple lamang ang disenyo nito at hindi gaanong marami ang palamuti nito, subalit mukhang mamahalin naman ang mga decors na inilagay at isinabit sa Christmas tree dahil hindi pangkaraniwan ang mga kulay at itsura ng ilang mga ribbons at flowers nito. 

Image Courtesy: Instagram/JinkeePacquaio
Image Courtesy: Instagram/JinkeePacquaio

Hindi rin ganoon kalakihan ang kaniyang Christmas tree, pero sobrang elegante naman nito na siyang bumagay sa tema ng kaniyang living room sa kanilang bahay sa Makati.

Image Courtesy: Instagram/JinkeePacquaio
Image Courtesy: Instagram/JinkeePacquaio

Ang ilang netizens ay napaka comment sa post ni Jinkee Pacquiao dahil nagandahan sila sa kaniyang simpleng Christmas decorations na elegant at maaliwalas sa mata kung titignan.

Image Courtesy: Instagram/JinkeePacquaio
Image Courtesy: Instagram/JinkeePacquaio

Ito pa lamang ang naibahagi ni Jinkee na mga dekorasyon para sa pasko, tiyak na may ibabahagi pa siyang ibang litrato ng kaniyang mga decors sa kanilang iba’t ibang bahay lalo na ang malaking bahay nila sa GenSan City.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *