Ito ang nakakaantig na mensahe ni Anne sa kanilang Anniversary ni Erwan na nagsasabing “I’m not the perfect wife”

Kamakailan lamang ay nagbahagi sa Socialmedia si Anne Curtis ng malambing na mensahe para sa kanyang asawa na si Erwan Heusaff. 

Matapos ang kanilang pagbubunyag sa publiko na sila ay magkakaroon na ng First Child dahil ang aktres ay kasalukuyang nagdadalang-tao na, sumunod naman ang kanilang pangalawang taon ng anibersaryo bilang mag-asawa na kung saan nagbitaw ng magandang mensahe si Anne.

Image courtesy: Anne Curtis/Instagram



Sa kanyang IG post, mahaba-haba ang naging mensahe ni Anne na kung saan kanyang inamin na siya’y kinakabahan at nasasabik sa nalalapit na panibagong yugto ng kanilang buhay mag-asawa bilang mga magulang.

Ito ang isinulat ni Anne, “Happy Anniversary Mon Amour Erwan. Two Years gone by just like that and what a way to celebrate. Now, with our little one on the way.”

Paglilinaw ni Anne na hindi man siya magiging perpekto na ina ngunit siya’y confident na magagampanan ng wasto ang pagiging magulang sa kanyang soon-to-be baby dahil nariyan silang mag-asawa upang magbigay ng suporta sa isa’t-isa..

Dagdag pa ni Anne sa kanyang post, “Hindi ako perpekto na wife, nakakagawa rin ako ng pagkakamali at aking tuloy-tuloy na pinapaunlad ang mga kaalaman sa aking gagampanan na pagiging ina, and I know I will still not be perfect. Ngunit alam ko na ikaw ay nasa aking tabi. Holding my hand every step of the way. it makes everything okay settles my restless mind and heart.”

Mayroon ring mensahe si Anne na,



Image courtesy: Anne Curtis/Instagram

“Ito na siguro ang ating huling anibersaryo na kung saan ating ipagdiriwang na tayong dalawa lamang ngunit hindi na ako makapaghintay na gunitahin ang ating susunod na anniversary na #LittleWanForAnne. Okay. I’ll stop now. Crying. Preggy hormones taking over. Sorry.”

Tulad ni Anne, nagbahagi rin si Erwan ng anniversary message para sa kanya. Ito ang kanyang mensahe,

“Walang tulugan sa gabi at mas mahabang araw, ready na ako para diyan. Kasama ang pinakamatatag na babaeng tulad mo, walang dapat alalahanin o pangamba. I hope our kids has your looks, but my voice.”

Sa mensaheng ito ni Erwan sa last part ng kanyang message ay siguradong LOL na lang talaga ang reaksyon ni Anne.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *