Nakipagbonding si Yassi Pressman sa mga batang kalye at ibinahagi niya ang aral sa kanyang naging karanasan

Ibinahagi ni Yassi Pressman ang kagalakan nang kanyang makasama ang mga batang kalye at kung anu-ano ang kanyang natutunan at napagtanto habang kasama ang mga ito.

Sa kanyang kamakailan lamang na IG post, ibinahagi ni Yassi ang ilang mga litrato na kasa-kasama niya ang mga batang kalye ng Maynila na kung saan kitang-kita ang saya ng bawat isa pati na rin ni Yassi.



Ang kabutihang loob ni Yassi sa pakikipagsalamuha sa mga bata na kung saan kanyang binilhan ang mga ito ng softdrinks, laking sorpresa naman ni Yassi ng suklian ng mga bata ang kanyang kabutihan sa pamamagitan ng pag-alok ng candy kay Yassi.

Ayon kay Yassi, araw-araw ang sarap magpasalamat dahil maliban sa mga masasayang araw ng kanyang pagtatrabaho, may natutunan at napaalala sa kanya ang mga batang ito. Kapalit ng softdrinks ay tinanong siya ng mga bata kung gusto niya daw ba ng candy kapalit ng softdrinks na binili niya para sa mga batang ito.



At dito napagtanto ni Yassi na ang kabutihan ay nanggagaling sa iba’t ibang paraan. Kanyang natutunan na ang kabutihan ay mananatiling kabutihan, hindi mahalaga kung anong meron ka at kung anong wala ka dahil ang pinakaimportante sa lahat ay ang bukal na kagustuhan mong makapagbigay at tumulong.

Pinasalamatan ni Yassi ang mga bata dahil nagsilbi silang instrumento upang ipaalala sa kanya na pahalagahan ang mga munting bagay at ang kasiyahan na kaya nitong idulot kahit maliit na bagay lamang ito.

Ibinahagi rin ni Yassi ang kanyang maikling panalangin na kung saan siya’y lubos na nagpapasalamat sa ating panginoon sa lahat ng aral na nagbibigay sa bawat indibidwal ng pagiging positibong puso at isip.

Ito ang panalangin ni Yassi: “Life always has its way of surprising you. Perseverance, Positivity, and Prayers. Thank you, Lord Father, for guiding me and giving me the lessons for when I have failed and the strength to get up and grow! Always!”



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *