Pamilyang Kramer, ibinahagi ang kanilang Wais na desisyon sa pagtatanim ng gulay at prutas sa kanilang bakuran

Ang pagtatanim ng prutas at gulay sa bakuran ng bahay ay gawain ng ating mga lola at lolo noong unang panahon. Samu’t saring gulay tulad ng okra, kamias, pechay, kangkong at iba pa ang madalas na itanim ng mga matatanda noon upang makamura sa bilihin sa palengke. 

Subalit sa modernong panahon ngayon, hindi na uso ang pagtatanim sa likod ng ating bahay dahil kaliwa’t kanan na ang mga supermarkets na kung saan ay agad agad na tayong makakabili ng mga gulay at prutas na siyang dating pinipitas lamang noon sa ating bakuran. 

Image Courtesy: Instagram/Dougkramer



Kung mapapansin, ang mga hardin at bakuran ng mga bahay ngayon ay puro na lamang halaman o garden ng mga bulaklak at mga disenyong halaman at wala ka ng makikita na mga puno ng prutas o mga halamang gulay na nakatanim sa mga bahay noon. Masyado ng nasanay ang mga tao ngayon at nakadepende na lamang sa mga bilihan dahil wala na silang oras para magtanim pa.

Subalit alam niyo ba, ang ilang mga artista ngayon tulad na lamang nila Zsa zsa Padilla ay mas pinipili na ngayon na magkaroon ng garden ng mga prutas at gulay upang mas alam nilang fresh ang kanilang makakain?

Katulad na lamang ng Pamilyang Kramer na sina Chesca at Doug Kramer na kilala sa kanilang napakalaking mansion ay nagsimula na rin ngayon na magtanim ng kanilang sariling gulay sa kanilang bakuran!

Image Courtesy: Instagram/DougKramer

Kamakailan ay ibinahagi ng mag-asawa na sila ay nagsimula na ng healthier choice of lifestyle sa pagtatanim ng kanilang gulay at prutas sa kanilang bakuran. Mayroong na silang naitanim na pechay, kangkong, okra at calamansi na siyang na-harvest na nila sa kanilang vegetable garden.

Image Courtesy: Instagram/ChekaKramer
Image Courtesy: Instagram/ChekaKramer

Tinuturuan ng mag-asawa na magtanim ang kanilang mga anak na sina Kendra, Scarlett at Gavin na matutong magtanim ng halaman at mag-pitas ng gulay sa panahon ng pag-harvest nito.

Image Courtesy: Instagram/DougKramer



Ayon kay Chesca, ang pagkakaroon ng sariling vegetable garden ay isang magandang aral para sa kanilang mga anak na matutunan nila ang importance ng planting at ma-experience nila ang beauty of gardening.

Image Courtesy: Instagram/ChekaKramer
Image Courtesy: Instagram/DougKramer

Bukod sa alam nilang healthy ang kanilang ihahapag sa kanilang dining table, nakakarelax pa daw ng body and soul ang pag gardening ayon sa aktres.

Image Courtesy: Instagram/ChekaKramer
Image Courtesy: Instagram/DougKramer

Kamakailan ay ibinahagi ni Doug Kramer sa kaniyang IG Account na unti-unti nang lumalago ang kanilang Vegetable garden na tinatawag nilang “Growcery”. Ipinakita sa larawan na mayroon na silang maliit na puno ng bayabas, papaya, dalandan, sili at pechay.

Image Courtesy: Instagram/DougKramer
Image Courtesy: Instagram/ChekaKramer
Image Courtesy: Instagram/DougKramer

Maraming netizen at ibang aktres ang na-inspire at nagkomento na gusto rin nila ang ganitong ideya para sa kanilang pamilya upang mas maging healthy at makatipid kaysa bumili pa sa grocery store.

Image Courtesy: Instagram/DougKramer

Bukod sa makakamura ay mas alam mong walang halong kemikal ang mga gulay na ito na ihahapag sa mesa. Sana po ay maging inspirasyon sina Kramer na simulan na natin ang pagtatanim upang makatulong rin sa ating kalikasan.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *