Ang singer na si Darren Espanto ay magtatapos na mula sa pagiging isang Senior Highschool at nakasungkit pa ito ng mataas na Honor

Sa nalalapit na pagtatapos ng pag-aaral ni Darren Espanto sa Senior highschool mayroong nag-aabang na karagdagang karangalan na siguradong panibago na ipagmamalaki ng kanyang mga magulang dahil siya ay tatanggap ng mataas na parangal dahil sa kanyang husay sa akademya.



Image courtesy: Darren Espanto/Instagram

Karamihan sa mga artista at mang-aawit na sikat sa industriya ay karaniwan na hindi nakapagtapos sa kadahilanang maaga silang nagtrabaho at kumita ng malaki.

Ngunit mayroon namang mga natatangi na kinakaya nilang pagsabayin ang pag-aaral at pagiging abala sa kanilang trabaho sa show business. Tulad na lamang ni Darren Espanto na talagang kahanga-hanga ang talento sa pag-awit at husay sa kaniyang eskuwelahan.

Sa kaniyang panayam kasama si Tito Boy sa programang tonight with Boy Abunda, kitang-kita sa mga reaksyon ni Tito Boy ang kanyang paghanga kay Darren at hindi na rin niya napigilan itanong kung paano niya nagawang makasungkit ng mataas na Honor sa kabila ng busy na mga schedule.

Ang sagot na lamang ni Darren ay: “Hindi ko rin po alam eh pero I’m very thankful na I have my Tutors who really helped me get through highschool.” Naidagdag niya rin na natapos niya ang Grade 12 at Grade 11 na mayroong honors.



Image courtesy: Darren Espanto/Instagram

Nabanggit din ni Darren na masayang-masaya siya sa kanyang ginagawa sa buhay dahil napapagsabay niya sa wastong paraan ang kanyang pagmamahal sa pag-awit at tuloy-tuloy na pag-usad sa kanyang edukasyon.

Naitanong rin ni Tito Boy ang ukol sa kanyang pagtawid sa kolehiyo na kung ito ba ay magpapahinga na muna sa kanyang karera sa showbiz at pagtutuunan na muna ang pag-aaral. Ang tanging sagot ni Darren ay naghahanap pa sila ng paaralan o Unibersidad na tatanggap sa kanyang working sched.

Ayon pa sa panayam na naganap, hindi pa sigurado si Darren sa kanyang nais na kunin na kurso ngunit nabanggit niya na mayroon siyang plano na kumuha ng kursong nasa linya ng medikal tulad ng kanyang mga magulang.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *