Bakas sa mga ngiti ni Philmar Alipayo ang saya na dulot nang dumating sa buhay nila ni Andi ang sanggol na anak na si Lilo

Ang pagiging haligi ng isang tahanan ay isang mabigat na responsibilidad dahil ang tungkulin nito ay mapanatiling natutugunan ng sapat ang mga pangangailangan ng kanyang pamilya. Mabigyan sila ng maayos na tahanan, makakain, at proteksyon.

Image courtesy: Philmar Alipayo/Instagram



Ang tanging nakakapagbigay sa kanila ng motibasyon upang kumayod araw-araw ay ang kanyang mga anak at asawa. Tunay nga na kapag ikaw ay isa nang ama ay mababago ang lahat dahil kinakailangan mong maging mas responsable sa iyong mga desisyon at aksyon.

Napakasarap maging isang tatay dahil magkakaroon ka ng rason upang bumangon at mas magtrabaho para sa kinabukasan ng iyong mga minamahal.

Tulad na lamang ni Philmar Alipayo, isang propesyonal na surfer na kasalukuyang partner ng Aktres na si Andi Eigenmann. Dinaranas ngayon ni Philmar ang saya na dulot ng pagiging isang ama ng isang napakacute na sanggol na kanyang anak sa aktres na si Andi.

Image courtesy: Philmar Alipayo/Instagram



Kamakailan lamang taong 2019 ay isinilang ni Andi ang kanyang pangalawang anak na babae na pinangalanang Lilo. Bakas sa mga ngiti ni Philmar ang kagalakan ngayong nasa buhay na nila ngayon si Lilo.

Pangarap ng bawat ama na mapangalagaan at mapalaki ng maayos ang kanilang pinakamamahal na supling kung kaya’t ganoon na lamang kaproud si Philmar ngayong mayroon na siyang papalakihin na maliliit na supling kasama ang partner na si Andi.

Kitang-kita sa mga litrato na ibinabahagi ni Philmar sa IG kung gaano niya kamahal at tinuturing na mundo ang kanyang sanggol na anak. Hindi masusukat ng kahit gaano kalaking halaga ng pera o kagamitan ang kasiyahan na dinudulot nito sa kanya.

Image courtesy: Philmar Alipayo/Instagram

Ganoon din naman ang nararamdaman ngayon ng ina na si Andi Eigenmann ngayong dumating na sa kanilang buhay ang panibagong miyembro ng kanilang pamilya.

Tunay nga na napakaswerte ng mag-couple na ito sa isa’t-isa dahil pareho nilang mahal ang isa’t-isa at kasalukuyang namumuhay ng simple sa probinsya kasama ang kanilang mga munting anghel.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *