Dimples Romana, naging inspirasyon at support system niya si Piolo Pascual sa mahigit 23 Years na Karera sa Industriya

Napakasarap nga naman talaga ang magkaroon ng kaibigan sa ating buhay na siyang magtuturo sa atin sa mga lessons in life at tutulong sa mga panahon na tayo ay lugmok sa problema at hirap. Mayroon talagang mga taong sadyang darating sa ating buhay para maging inspirasyon natin upang tumayo sa ating mga paa at maging sandalan natin sa panahon ng lungkot at kahirapan.

Image Courtesy: Instagram/DimplesRomana



Kung ikaw ay mayroong ganitong klaseng matalik na kaibigan, isa ka na sa napakaswerteng tao sa mundo dahil ang pagkakaroon ng ganitong klase ng kaibigan ay priceless at masarap sa pakiramdam.

Ganyan ang nararamdaman ngayon ng aktres na si Dimples Romana sa kaniyang isang matalik na kaibigan sa Showbizness na si Piolo Pascual. Sa tagumpay na nakamit ngayon ng aktres, may iilang mga tao siyang pinasasalamatan sa araw ng kaniyang kaarawan dahil malaking tulong ang mga ito sa kaniyang career at buhay. Isa na nga dito ang matalik niyang kaibigan na si Piolo Pascual.

Image Courtesy: Instagram/DimplesRomana

Kamakailan ay ibinahagini Dimples ang isang appreciation post tungkol kay Piolo kung saan lubos itong nag papasalamat na naging inspirasyon niya ang aktor upang maging isang hardworking na aktres.

Image Courtesy: Instagram/DimplesRomana



Ayon kay Dimples, todo support si Piolo sa career ni Dimples kung saan halos 23 na taon na silang magkakilala sa Showbiz at naging support system nila ang isa’t isa mula sa pag simula ng kanilang mga career sa industriya.

Image Courtesy: Instagram/DimplesRomana
Image Courtesy: Instagram/DimplesRomana

“I would always joke around how @Piolo_pascual still looks the same way as the time we were attending workshops 23 years ago.”

“May braces pa ako nun, pigtails and jumper. Pa peej (Piolo) inspired me to be hardworking, to be good to people.”

Para kay Dimples, malaking bagay ang nakilala niya si Piolo sa kaniyang career dahil ito raw ang nagturo sakaniya na maging mabait sa ibang tao kahit ano pa man ang estado nito sa buhay at natutunan rin niyang magdasal para magpasalamat sa lahat ng biyaya na kaniyang nakamit.

Image Courtesy: Instagram/DimplesRomana

“Funny how one person can influence the way you work and live your life and they don’t even know it!”

“Ang laki ng utang na loob ko sakanya! Salamat peej!! Isa ka sa pinakamabubuting taong mahal ko.”

Sa post ng aktres na si Dimples, hindi naman napigilan ng aktor na mag komento sa napaka touching na post ng kaniyang matalik na kaibigan.

Image Courtesy: Instagram/PioloPascual

“We’ll always look out for each other and I appreciate how you’ve never changed and still growing in your craft… I’ll always be a fan Dimp in your pigtails, jumpsuit and braces.” komento ni Piolo.

Hindi mo aakalain na ang napakasikat at isa sa may pinakaartistahin na itsura sa showbiz na si Piolo Pascual ay mayroon palang ganitong katangian kung saan mas na-inlove ang kaniyang mga fans sa kaniya. Bukod sa pagiging gwapo, napakabuting tao din pala nitong si Piolo kung saan pati ang aktres na si Dimples ay nainspire niya sa kaniyang kagandahang loob.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *