Ito ang nakakainspire na payo ni Andi Eigenmann sa mga Kababaihan tungkol sa pagpili ng tao na mamahalin

Ibang-iba na ang buhay ngayon ng dating aktres na si Andi Eigenmann matapos niyang piliin ang simpleng buhay sa likod ng media. Kung dati ay abala siya sa kaniyang trabaho sa mundo ng show business, sa kasalukuyan ay masaya siyang namumuhay sa isla ng Siargao kasama ang binuo nilang pamilya ng kasintahan na si Philmar Alipayo, isang professional surfer.

Image Courtesy: Instagram/Andieigengirl



Masaya man sa kaniyang piniling buhay ay hindi pa rin maiwasan na makarinig siya ng mga negatibong komento mula sa ibang tao. Nag-umpisa ito noong simulang nagbahagi ng mga litrato si Andi kasama si Philmar. Agad hinusgahan ng ilang netizens ang pagkatao ni Philmar dahil sa kulay at itsura nito.

Image Courtesy: Instagram/chepoxz

Subalit hindi ito pinansin ni Andi at tuloy pa rin ang pagpapakilala niya kay Philmar bilang kaniyang nobyo hanggang sa biyayaan na sila ng isang napaka cute ng anak na babae ngayong taon.

Image Courtesy: Instagram/Andieigengirl
Image Courtesy: Instagram/Andieigengirl

“As soon as I posted it on media, it was inevitable for us to get negative criticism, because ‘we’re not bagay,’ or because ‘I’m maganda’ and ‘I come from a high profile family’ and he was ‘just a person from he island,” pagbabahagi ni Andi.

Ayon sakaniya, simula pa man ay alam na niyang pinipintasan siya at ang kaniyang nobyo ng ilang netizens sa pagbabahagi ng kanilang mga litrato subalit nanatiling tahimik si Andi sa mga bashers at patuloy lang ang buhay nito.

Image Courtesy: Instagram/chepoxz



Image Courtesy: Instagram/chepoxz

Sa halip na sagutin at pansinin niya ang mga nagsasabi ng negatibong komento kay Philmar, mas binigyang pansin niya ang kaniyang pagbubuntis dahil layunin niyang maging inspirasyon sa kaniyang mga anak at tagahanga sa social media.

Image Courtesy: Instagram/Andieigengirl
Image Courtesy: Instagram/chepoxz
Image Courtesy: Instagram/Andieigengirl

Kaya naman nang ito ay ma-interview sa isang guesting, binuksang muli ni Andi ang isyung ito tungkol sa mga negatibong komento galing sa mga bashers at ibinahagi niya isang inspiring na mensahe sa mga taong nagmamahal ng taong tapat para sakanila.

“I didn’t think that the relationship I was getting into was so uncommon,” pahayag ni Andi sa isang panayam ng GMA news.

Image Courtesy: Instagram/Andieigengirl
Image Courtesy: Instagram/Andieigengirl

Sa kabila nga nito ay mas lalo pang napatunayan ni Andi kung gaano kahalaga sa kaniya ang kasintahan na si Philmar at handa siyang ipaglaban ito sa mga taong nag-iisip na hindi siya ang karapat-dapat na lalaki para sa kaniya.

“…I always tell him, ‘You’re not just a person from the island you’re the richest person I know because…”, hindi nga niya natapos ang sasabihin dahil nag-umpisa ng tumulo ang kaniyang mga luha.

Image Courtesy: Instagram/Andieigengirl
Image Courtesy: Instagram/chepoxz

Nagbigay rin siya ng payo sa mga kababaihan kung anong katangian ang dapat nilang hanapin sa isang lalaki na gusto nilang makasama sa habang-buhay.

“The right man for you should not be measured by how secure his future is or what he can give me because I can give that to myself. All that matters to me is that he has ambition and he has dreams and we work on that together. Now we have a beautiful family,” Ito ang magandang mensahe ni Andi na tumatak sa mga netizens.

Image Courtesy: Instagram/Andieigengirl

Ang kaniyang mensahe ay nagsilbing isang inspirasyon sa mga kababaihan na wala sa itsura o sa yaman ang tamang lalaki para sayo. Aanhin mo ang yaman o itsura kung hindi busilak ang puso nito, hindi ba?

Para kay Andi, hindi niya kailangan ng isang lalaking magbibigay sakaniya ng lahat ng kaniyang kailangan dahil siya ay isang Independent Woman na kayang ibigay ito sa kaniyang sarili. Ang importante sakaniya ay kung mahal na mahal siya ng lalaking ito at kung mayroon itong pangarap para sa kanilang dalawa kasama ang kaniyang anak na si Ellie.