Rufa Mae Quinto, Independent Mom at Hands-on sa Pag-aalaga sa anak habang ang asawa ay nasa malayo

Ang isa sa pinaka nakakatawa at down to earth na komedyante na kilala ng marami sa industriya ng Showbiz ay ang aktres na si Rufa Mae Quinto.

Sa kabila ng kaniyang mga guesting at jologs na mga joke na bentang-benta sa mga audience, hindi alam ng iba na si Ruffa Mae ay isang Independent Mom sa kaniyang nag-iisang anak na si Athena.

Image Courtesy: Instagram/Rufamaequinto



Kung mapapansin sa kaniyang IG account, madalas niyang kasama ang kaniyang anak at makikita na hands-on ito sa pag aalaga sakaniya habang isinasabay ang kaniyang career, business at mga travel vacations kasama ang anak.

Image Courtesy: Instagram/Rufamaequinto
Image Courtesy: Instagram/Rufamaequinto

Ayon kay Rufa, matagal na silang nasa long distance relationship ng kaniyang asawa na si Trevor Magallanes dahil ito raw ay kasalukuyang nasa San Francisco Police Academy at nagtatraining bilang Police sa U.S. habang siya naman ay naiwan sa Pilipinas para sa kaniyang anak.

Image Courtesy: Instagram/Rufamaequinto
Image Courtesy: Instagram/Rufamaequinto



Isang dahilan kung bakit nakatira pa rin sila sa Pilipinas ay dahil hiling ng asawa ni Rufa na matutunan ni Athena ang pagiging isang Pinoy bago ito pumili kung saan niya gustong tumira kapag ito ay naging dalaga na.

Image Courtesy: Instagram/Rufamaequinto

Sa kaniyang IG posts, mapapansin na talagang hands on si Rufa sa pag-alaga kay Athena kung saan kasa-kasama niya ito saan man siya magpunta.

Isang bonding time nilang mag-ina ang mag dress up at mag shopping sa mall dahil tuwang-tuwa raw si Athena tuwing sila ay magshoshopping ng naka-aura.

Image Courtesy: Instagram/Rufamaequinto

Kahit na long distance ang relasyon ng mag-ina kay Trevor, hindi pa din nila nakakalimutan ang mag-bonding kasama ito tuwing pagtapos ng kaniyang training. Pumupunta sina Rufa sa U.S. upang makasama ang asawa at makapag family time ang pamilya.

Image Courtesy: Instagram/Rufamaequinto
Image Courtesy: Instagram/Rufamaequinto

Sa ngayon ay naiintindihan naman ni Rufa ang sitwasyon nilang dalawa dahil gusto raw nito na ipagpatuloy pa rin ni Trevor ang kaniyang minimithing career sa buhay dahil gusto nilang dalawa na may purpose sila in life.

Habang nagta-training ang kaniyang asawa, masaya naman ang aktres sa pag-alaga sa kaniyang napakatalino at napakabibong anak kasabay na rin ang pag-aasikaso ng kaniyang business at career sa industriya.

Image Courtesy: Instagram/Rufamaequinto
Image Courtesy: Instagram/Rufamaequinto

Isa na si Rufa sa may pinaka successful na career sa industriya pero nananatili pa rin siyang humble at down to earth kahit napaka yaman na nito.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *