Kakaibang Dog Themed Party ang idinaos para sa 8th Birthday ni Scarlett Kramer

Ang araw ng kapanganakan ng bawat isa ay taon-taon nating ipinagdiriwang bilang pag-alala sa napakahalagang araw na iyon lalong-lalo na sa mga kabataan. Ang mga ganitong pagkakataon ay kadalasang hindi pinalalampas ng mga magulang upang magbigay ng espesyal na selebrasyon na hindi malilimutan ng kanilang mga anak kahit sa kanilang pagtanda.

Hindi naiiba rito ang mag-asawang Doug at Chesca Kramer, ang ina at ama ng kanilang pamilya na kilala sa social media ngayon bilang “Team Kramer”.

Image Courtesy: Instagram/Chekakramer



Si Doug ay isang PBA player at si Chesca naman ay isang modelo at dating artista, nagpakasal sila noong taong 2008 at mula noon ay nabiyayaan ng tatlong anghel. Si Kendra na panganay nila ay sinundan ni Scarlett at ang bunso nilang si Gavin. Tuwing kaarawan ng bawat isa sa kanila ay talaga namang pinaghahandaan nila.

Image Courtesy: Instagram/Chekakramer

Kamakailan, nitong lumipas na November 28 ay idinaos naman ang kaarawan para sa kanilang pangalawang anak na si Scarlett.

Image Courtesy: Instagram/Chekakramer
Image Courtesy: Instagram/Dougkramer

Si Scarlett Louvelle Garcia Kramer ay 8 taong gulang na ngayon at binigyan siya ng kanyang mga magulang ng isang dog-themed na party upang ipagdiwang ang espesyal nitong araw.

Image Courtesy: Instagram/Chekakramer



Ayon kay Chesca, ang ama ng mga ito na si Doug talaga ang naging punong abala sa celebrasyon at siya rin ang nakaisip ng theme ng party.

Image Courtesy: Instagram/Chekakramer
Image Courtesy: Instagram/Chekakramer
Image Courtesy: Instagram/Chekakramer

Naisip raw nito ang ganitong theme dahil na rin sa pagkahilig ng kanilang mga anak sa mga aso. Sa katunayan, mayroon silang tatlong aso sa kanilang bagong bahay ngayon kung saan ang pinakabagong miyembro sa kanilang mga alaga ay ang isang pambihirang cup poodle na kanilang tinawag na “Coco”.

Image Courtesy: Instagram/Chekakramer
Image Courtesy: Instagram/Chekakramer

Ang birthday party ni Scarlett ay ginanap sa hardin ng kanilang bagong tayong 3-storey na mansyon sa may Antipolo, Rizal na dinaluhan ng mga malalapit na kaibigan at kaanak ng pamilya.

Image Courtesy: Instagram/Chekakramer
Image Courtesy: Instagram/Dougkramer

Sina Doug at Chesca ay isa lamang sa mga magulang na tunay na nagsisikap upang maibigay ang mga kagustuhan ang pangangailangan ng kanilang mga anak, kaya nararapat lamang rin talaga na tayo’y magpasalamat sa ating mga magulang dahil sila rin ay walang hindi gagawin mapaligaya lamang tayo.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *