Sa edad na 44 ni Vina Morales ibinahagi niya kung bakit hindi niya kailangan ng Partner para makompleto ang kanyang pagkatao

Tunay nga na ang bawat isa sa atin ay unti-unti nang dumaragdag ang edad at ito ay hindi natin namamalayan. Sa mga indibidwal na mayroong edad na apat na pu pataas, sila ay may kanya-kanya nang mga pamilya at sariling asawa.

Image courtesy: Vina Morales/Instagram



Ngunit ibahin natin si Ms. Vina Morales na mas pinili na manatili maging single. Sa kabila ng lahat ng kanyang tagumpay at kasikatan, pinili ng aktres na hanapin ang kaligayahan sa kanyang kagustuhan na walang kapartner sa buhay.

Para kay Vina, hindi naman gaano kaimportante kung wala siyang kasa-kasama na iniibig dahil mas mainam na alagaan na lamang niya ang kanyang sarili una sa lahat kaysa maghanap na agad ng kapartner sa buhay.

Ayon sa kanya, “I think you have love yourself first before people could really appreciate you and love you back.”

Image courtesy: Vina Morales/Instagram



Ang tanging ibig sabihin dito ng aktres ay kailangan mo muna unahin mahalin ang sarili mo bago ka magmahal ng ibang tao na pag-aalayan mo ng iyong pagmamahal at dito magsisimula na pahalagahan at mamahalin ka nila pabalik.

Dagdag pa ng aktres na kung mas mamahalin mo ang iyong sarili ang magiging resulta nito ay mas magiging magiging mabuti ang pakiramdam mo para sa iyong sarili at dito na papasok ang lahat ng pagiging positibo sa iyong pagkatao at sa pakikitungo mo sa iba.

Image courtesy: Vina Morales/Instagram

Nabanggit din ni Vina na hindi naman niya masyado iniisip kung maging single man siya nang napakatagal na panahon dahil siya ay napapaligiran naman ng napakaraming biyaya tulad ng magandang career, mga minamahal sa buhay at higit sa lahat ang kanyang anak.

Matagal-tagal na ring single si Ms. Vina Morales at umabot na ng mahigit tatlong taon. Matapos ang kanyang breakup sa kanyang French Boyfriend noon, naugnay naman siya na nakikipagdate sa US-based guy ngunit klinaro niya na sila ay magkaibigan lamang.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *