Ito ang pahayag ni Maymay Entrata patungkol sa hindi niya paniniwala sa Mood Swings dahil aniya ‘Choice yun’

Ang komedyante at aktres na si Maymay Entrata ay nagbahagi ng kanyang komento tungkol sa pagkontrol ng tinatawag na “Mood Swings” na karaniwang dinaranas ng mga kababaihan at maging ang iilan sa mga kalalakihan.

Image courtesy: Maymay Entrata/Instagram



Ayon kay Maymay, pagdating sa mood swings, ang lahat ay mayroong choice or “Everyone has a choice .” Para kay Maymay, ang paghandle sa kanyang emosyon ay isang napakaimportanteng bagay lalo na kapag ikaw ay nasa mata ng publiko.

Nabanggit rin niya na pagdating sa kanyang trabaho, ibinibigay niya lahat ng kanyang makakaya at mas pinapahaba niya ang kanyang pasensya na hindi hayaan na kainin siya ng kanyang emosyon.

Ayon sa eksaktong pahayag ni Maymay, “Hindi ako naniniwala sa mood swings. Kasi feeling ko choice nila ‘yung magalit, hindi ko alam parang pansin. Sorry kung natamaan yung iba. Ako kasi iyong tao na kapag mayroong ginagawang malaking bagay, ibinibigay ko ang lahat 100%.”

Image courtesy: Maymay Entrata/Instagram



Dagdag pa ng aktres na talagang pinaghihirapan niya ang lahat ng kanyang ginagawa at ang pagiging positibo sa lahat ng bagay upang hindi maapektuhan ang kanyang trabaho. Ayon pa sa kanya, ang madalas na pagkakaroon ng negatibong emosyon ay ang humihila sa atin paatras patungo sa ating tagumpay.

Siguro nga’y ang pagiging positibo ni Maymay sa buhay ang magbigay sa kanya ng marami pang biyaya at swerte sa industriya ng show business. Sa kabila ng limang taon na kanyang ginugol sa pag-audition sa iba’t-ibang ABS-CBN’s show, hindi siya sumuko kung kaya’t siya ay kasalukuyang nasa kanyang kinatatayuan ngayon.

Inamin rin ni Maymay na palagi siyang mayroong back up plan kung sakali man ang isa sa kanyang mga plano ay hindi gumana o nagtagumpay.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *