Kilalanin ang Prinsipe ng Brunei na isa ring atleta sa SEA Games at kasalukuyang kinagigiliwan ng Filipino Fans

Ating kilalanin ang Brunei Prince na isang atleta at kalahok sa SEA games 2019. Hindi lamang sa kanyang mga laban nananalo si Prince Abdul Mateen dahil maging sa puso ng mga Pinoy siya’y hinahangaan dahil sa pisikal na anyo nito.

Image courtesy: Prince Abdul Mateen/Instagram



Ang buong pangalan ng Prinsipe ay si Abdul Mateen Bolkiah, siya ay ang anak ng Sultan ng Brunei na si Hassanal Bolkiah. Si Prince Mateen ay miyembro ng Sultanate’s polo team.

Si Prince Mateen ay tunay ngang tanyag na tao dahil mayroon lang naman siyang milyon na followers sa IG at napakaraming FB page na na pangalan niya ang nakalagay. Binansagan rin siya ng isang International Magazine bilang “One of Asia’s most eligible blue-blooded bachelors.” Ito pala ang mga sinasabing dugong bughaw dahil sila ay anak ng isa sa pinakamataas na tao sa kanilang bansa.

Talaga nga namang hindi pinalampas ng mga Pinoy Fans ang paghanga sa pagiging magandang lalaki ng Brunei Prince. Ang iilan pa sa mga fans ay bumyahe pa patungong Calatagan, Batangas upang panuorin ang laro ng atletang prinsipe.

Image courtesy: Prince Abdul Mateen/Instagram



Ang tanging nasabi na lang ni Prince Mateen ay, “Ang kahilingan nila ay kumuha ng litrato kasama ako and I’m flattered.”

Gayunpaman, ang Polo team ng Brunei ay nakakuha ng unang panalo sa SEA games laban sa Pilipinas. Paglalahad pa ni Prince Mateen na ang kanilang panalo laban sa Pinas ay hindi naging madali na makuha dahil sila ay magagaling na manlalaro.

Ibinahagi rin ni Prince Mateen na sila ay nakipagpaligsahan na sa maraming Polo games simula noong sumali ang kanilang koponan sa SEA games na ginanap sa Kuala Lumpur noong taong 2017. Sa kabutihang-palad ay nakasungkit naman sila ng Bronze sa biennial meet.

Masasabi nga nating full-packaged na ang pagiging lalaki ni Prince Mateen dahil bukod sa good looks ay mataas rin ang respeto niya sa mga kababaihan at isa siyang maginoo.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *