Nagtayo ng Restaurant si Bon Jovi sa New Jersey upang libreng mapakain ang mga nangangailangan at nagugutom

Kahit sino naman siguro na ipinanganak panahong kalagitnaan ng 1900’s pataas ay kilalang-kilala si Jon Bon Jovi dahil sa katanyagan nito bilang isang rockstar. Ngunit sino mag-aakala na ang rockstar sa etablado ay isa din palang bituin pagdating sa pagtulong sa mga nangangailangan.



Ang lead vocalist na si Bon Jovi ay nagtayo ng isang restawran na tumutulong sa mga walang tirahan, gutom na mga indibidwal, at kinakapos sa pera. Ang Bon Jovi’s “Soul Kitchen” ay binuo upang tumulong para sa mga taong nangangailangan.

Kahit sino ay malugod na tatanggapin at maaaring kumain samantala ang laman naman ng menu ay walang presyo dahil ito ay libre para sa mga nangangailangan. Ngunit para doon sa mga nais magdonate o magbigay ng pera ay hinihiling na magdonate ng kahit 20 dolyar.

Para sa mga nais naman tumulong o kusang loob na magtrabaho para sa Soul’s Kitchen ay magiging malaking tulong para sa restawran at bilang pambayad na rin sa kanilang pagkain.

Ang mga customer ng restawran ay sama-samang makikibahagi ng pagkain sa isang mahabang lamesa kasama ang ibang tao na hindi nila kilala.



Ang Soul Kitchen ay unang binuksan sa lugar kung saan ipinanganak si Bon Jovi, at ito ay nasa lugar ng New Jersey. Mula binuksan ang restawran na ito, ito ay nakapagserbisyo na sa mga tao ng mahigit 100,000 pataas na meals para sa mga nangangailangan.

Ayon sa Soul Kitchen’s, “All are welcome at our table. We serve locally-sourced ingredients, dignity, and respect are always on the menu.”

May ilan din na nagbahagi ng kanilang karanasan sa Soul Kitchen na nagsasabing tila nasa isang komunidad ang mga tao na nasa isang mahabang table at nagkakaisa habang sila ay nakaupo sa isang magandang hapag-kainan.

May mga pagkakataon rin na bumibisita si Bon Jovi upang ipagluto ang mga customer. Tunay nga na ang binuo ni Bon Jovi na restawran na may layunin na tumulong at ipagkaisa ang mga tao ay isang magandang initiative upang mas pagtibayin at ipagkaisa ang isang komunidad.

http://en.goodtimes.my/2019/11/27/all-are-welcome-at-jon-bon-jovis-soul-kitchen-a-pay-as-you-wish-restaurant-especially-for-the-less-fortunate/



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *