Silipin ang napakaganda at kakaibang disenyo ng Christmas Tree ni Dra. Vicki Belo

Tuwing sasapit ang araw ng Kapaskuhan, nakasanayan na ng karamihan sa atin na ito ay paghandaan. Nariyan ang pagsasabit ng makukulay na dekorasyon sa loob at labas ng kanilang tahanan pati na rin ang paglalagay ng mga pailaw na siyang nagbibigay liwanag sa kapaligiran.

Maliban dito ay masusi rin nilang itinatayo ang pinaka-popular na dekorasyon sa lahat na kilala natin bilang Christmas tree. Ang ilan nga sa ating mga kababayaan ay talaga namang naglalaan pa ng panahon at pera para ito ay mapaganda at maging kakaiba sa lahat.

Image Courtesy: Instagram/VictoriaBelo



Sa katunayan, ang mga kilalang personalidad sa ating lipunan kagaya ng mga artista ay kumukuha pa ng mga designers para maisakatuparan ang gusto nilang disenyo ng Christmas tree.

Isa na nga dito si Dr.Vicki Belo na kamakailan lang ay ibinida ang kakaibang Christmas tree sa kanilang bahay na mayroong tema na “The Tropical Tree”.

Hindi kagaya ng nakasayan at typical na Christmas tree dahil ang dekorasyon nina Dra. Vicki ay mayroon itong iba’t ibang matitingkad na kulay na talaga namang nakaka-akit tingnan.

Image Courtesy: Instagram/VictoriaBelo

Sa bandang itaas ng tree ay makikita ang mukha ng isang Chinese doll na mayroong pakwan sa ulo. Ang pakpak nito ay napapalibutan ng makukulay na palawit at mayroon pang isang hayop na nakasabit. Sa bandang paanan naman ng puno ay nandoon ang iba pang makulay na palamuti at maliliit na kabayo.

Image Courtesy: Instagram/VictoriaBelo

Sadyang bago nga ito sa paningin nating mga Pilipino kaya naman hindi nakakapagtaka na hangaan ito ng mga netizens. Maging ang anak nga ni Dr.Vicky Belo na si Scarlet Snow ay aliw na aliw rin sa kanilang makulay na Christmas tree.

Image Courtesy: Instagram/glitterville



Gawa ng international designers mula sa Glitter Studio ang Christmas tree ng pamilyang Belo at sila rin ang nakaisip ng kakaibang tema nito.

“Tis the season for a Tropical Tree at the Manila Home of @victoria_belo @dochayden and the most famous baby around the world @scarletsnowbelo,” pagbabahagi ng Glitterstudio sa kanilang Instagram account.

Image Courtesy: Instagram/VictoriaBelo

Samantala, ibinahagi din ni Dra. Vicky Belo ang isang larawan kung saan pati si Scarlet Snow ay kasamang nagdecorate sa kanilang Christmas tree.

Image Courtesy: Instagram/VictoriaBelo
Image Courtesy: Instagram/Dochayden
Image Courtesy: Instagram/Dochayden

“An early Merry Christmas from the 3 #Belo girls @cristallebelo @scarletsnowbelo and me,” caption ni Dr.Vicky Belo sa kanilang larawan.

Talaga namang napakaganda at kakaiba ang dekorasyon ng Christmas Tree nina Dra. Vicky Belo kaya hindi napigilan ng ilang netizens na mamangha sa kakaibang style nito dahil ayon sa kanila ay ngayon lamang sila nakakita ng ganitong disenyo ng Christmas Tree.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *