Ipinasilip ni Camille Prats sa madla ang kanyang Dream House na kamakailan lang ay nagsimula na ang konstruksyon

Ang pagkakaroon ng iyong pinapangarap na bahay ay isang napakalaking biyaya mula sa maykapal dahil ipinagkaloob ito sayo upang bumuo ng isang magandang pamilya at tahanan.

Image courtesy: Camille Prats/Instagram



Napakasarap sa pakiramdam na makamit ang iyong pinapangarap na klase ng bahay. Mas mainam kung makukuha mo ang lahat ng nais mong disenyo para sa iyong ninanais na tahanan.

Kahit sino na naghirap at nagtiyaga ay maaaring makamit ang kanilang pinapangarap. Tulad na lamang ni Camille Prats na talagang kumayod ng husto upang makapagpatayo sila ng kanyang asawa ng pangarap na bahay. Kasama ng kanyang asawa na si VJ Yambao, sinisimulan na ang pagtayo ng kanilang Dream House.

Sa IG account ni Camille, kanyang ibinahagi ang kaunting pasilip ng lupain kung saan ipapatayo ang kanilang dream house. Ang pahayag ni Camille sa kanyang caption post ay:

“God’s amazing and abundant blessings unfolding right before our Eyes. All because of Him and Him alone. In this site will rise our future dream home, all glory and honor to God Almighty. A very merry christmas indeed.”

Image courtesy: Camille Prats/Instagram

Ang nabanggit na post ni Camille ay umani ng napakaraming komento mula sa netizens at kapwa artista sa industriya na nagsasabi ng positibong komento na hinihiling ang magandang resulta para sa pinapatayong bahay.

Kitang-kita sa mga litrato na ibinabahagi ni Camille na talagang mayroon siyang kompleto at masayang pamilya. Mayroon silang apat na anak ng kanyang asawa na si VJ Yambao.

Samantala, sa kamakailan na pakikipanayam sa couple, ibinahagi ng magpartner na hindi na sila nagbabalak na dagdagan pa ang mga anak.

Ayon pa kay Camille, nais niyang ibigay ang lahat ng best na pwedeng ibigay para sa kanilang anak at hindi iyong basta mayroon lang maibigay o kung ano lang kailangan nila. At upang magawa ang lahat ng ito, mas mainam na kaunti lang sila.

Talaga nga namang deserve lang ni Camille lahat ng biyaya na kanyang natatanggap ngayon sa kadahilanang mayroon siyang mabuti puso at napakasipag na pagkatao.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *