Sila ang mga personalidad na mayroon nang kaya sa buhay bago pa man sila mag-artista

Maraming mga kilalang tao ang pumasok sa industriya ng showbiz upang kumita ng malaking pera na magiging daan para mabago ang kanilang mga buhay, ngunit hindi ganito ang sitwasyon palagi dahil mayroong ilan na blessed at rich kid na bago pa man sila nagtrabaho sa harap ng camera. Narito ang mga artistang mayaman na mula pa noon:

1. Heart Evangelista

Image Courtesy: Instagram/iamhearte



Ang tunay na pangalan nito ay Love Marie Payawal Ongpauco-Escudero, mula siya sa mayaman na angkan na may-ari at nagpapatakbo ng kilalang restaurant chain na Barrio Fiesta. Ayon rin sa mga bali-balita ay ang aktres mismo ay nagmamay-ari ng isa branch ng Barrio Fiesta at ang kaniyang kamag-anak ang nagpapatakbo ng Isdaan Floating Restaurant sa Laguna at Tarlac.

2. Ellen Adarna

Image Courtesy: pinterest

Si Ellen ay hindi na gaanong aktibo sa showbiz nitong mga nakaraan ngunit hindi iyon problema sa aktres dahil isa naman pala itong heredera. Ang pamilya nito ay may mga hotel at construction businesses na kilala bilang isa sa mayayaman na angkan sa Cebu City.

3. Solenn Heussaff-Bolzico

Image Courtesy: Instagram/solenn



Si Solenn ay isang French-Filipina VJ, TV host, singer, painter, designer, make up artist at aktres. Mas nakilala ito noong sumali ito sa Survivor Philippines: Celebrity Showdown na inere noong taong 2010. Ang ama nito ay isang petroleum magnate sa France kaya naman maganda na ang buhay nito at ng kanyang sikat rin na kapatid na si Erwan Heusaff noon pa man.

4. Maine Mendoza

Image Courtesy: Instagram/mainedcm

Ang Dubsmash Queen na si Maine Mendoza ay mula sa pamilya na may pag-aaring mga istasyon ng gasolina at mga franchise ng isang kilalang fast food chain. Bago pa man siya sumikat ay may kaya na ito sa buhay.

5. Denise Laurel

Image Courtesy: Instagram/d_laurel

Marami ang hindi nakakaalam na ang aktres ay great granddaughter ng dating presidente ng ating bansa na si Jose P. Laurel, kaya naman ang pamilya nito ay may kapangyarihan sa pulitika at dati nang matiwasay ang pamumuhay.

6. Sunshine Dizon

Image Courtesy: Instagram/m_sunshinedizon

Bata pa noong pumasok sa industriya si Sunshine ngunit ang mga magulang nito ay malakas rin kumita dahil sa kani-kanilang mga career. Ang ama nito ay isang casino manager sa Estados Unidos at ang ina naman nito ay isang film producer.

7. Matteo Guidicelli

Image Courtesy: Instagram/matteog



Ang ama nito ay isang Italyano na matagumpay sa manufacturing business, kaya naman nakayang pumasok ng aktor sa isa sa pinakamamahaling paaralan dito sa Maynila noong estudyante pa ito.

8. Derek Ramsay

Image Courtesy: Instagram/ramsayderek07

Bago pa man sumikat si Derek at maging isa sa sought-after na leading man ay matiwasay na ang pamumuhay nito dahil ang pamilya pala ng aktor ay nagmamay-ari ng mga real estate properties sa Batangas, Tagaytay at Palawan.

9. Paul Jake Castillo

Image Courtesy: Instagram/pauljake_castillo

Ang pamilya ng dating PBB housemate ang nagmamay-ari ng International Pharmaceuticals Inc., kaya kilala ang mga ito sa industriya ng healthcare.

10. Beauty Gonzales

Image Courtesy: Instagram/beauty_gonzalez

Si Beauty ay tubong Dumaguete City kung saan mayroong hacienda ang pamilya nito. Binansagan itong “Rebellious Beauty” dahil sanay itong may mga taong nakapaligid dito na handang ibigay ang ano mang hilingin nito.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *