Kilalanin ang Binatilyong anak ni Isko Moreno na nagmana ng kanyang kagwapuhan

Si Francisco Moreno Domagoso o Isko Moreno, ang 44 years-old na kasalukuyang Alkalde ng City of Manila na talaga namang mabagsik dahil sa kanyang magandang serbisyo para sa ikauunlad ng Maynila.

Naging matagumpay na aktor din si Isko bago pa man ito maging pulitiko kaya naman marami na rin ang nakakakilala sakanya. Kilala din si Mayor Isko na mayroong napakagandang asawa at limang anak na sina Vincent, Frances, Joaquin, Franco at Drake.

Image Courtesy: jdomagoso/Instagram



Ang kanyang ikalawang anak na si Joaquin ay kasalukuyang sumusubok na pumasok sa mundo ng entertainment. Siya ay si Joaquin Ditan Domagoso, ang 17 year old na pangalawang anak ni Mayor Isko na nag-aaral sa Southville International School.

Sa kanyang paaralan, kilalang-kilala na si Joaquin hindi dahil sa kanyang Tatay kundi dahil sa kanyang angking kagwapuhan. Isa raw itong heartthrob sa kanilang eskwelahan kung saan nanalo pa ito ng Mr. Teen SGEN 2018 noon.



Bago pa man ito pumasok sa industriya ng show business, kinumbinsi muna si Isko at ang kanyang asawa na si Dyne para payagan ang kanilang anak na si Joaquin na mag-artista. Naging kondisyon nila kay Joaquin na kailangan niyang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral at panatilihin ang kaniyang mga grades habang siya ay papasok sa industriya.

Image Courtesy: jdomagoso/Instagram

Nagsimula ito sa kanyang business career kung saan ang kanyang manager ay ang former manager ni Isko na si Daddie Wowie Roxas.

Sa katunayan, mayroon siyang episode kasama si Isko Moreno sa “Tonight with Boy Abunda” at gumanap na rin siya sa programang “Ipaglaban mo” kasama ang aktres na si Ella Cruz.

Habang ang tanging payo naman ni Mayor Isko sa kanyang anak na si Joaquin na makinig sa kanyang mga co-actors at co-actress lalong lalo na sa kanyang manager dahil para rin daw ito sa ikabubuti niya.

Maraming netizens ang excited na makita si Joaquin sa mga shows at ibang pelikula dahil sa kanyang postura na katulad ng kanyang Ama. Talaga naman inaabangan ng ilan ang kaniyang pagsikat sa showbusiness at todo suporta ang kanyang mga fans.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *