Ibinahagi ni Ryan Agoncillo ang nakakatuwang mga litrato ni Juday at napakacute na bunsong anak

Ang mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos ay isa sa mga maituturing na matagumpay na relasyon sa industriya ng show business. Isa sa pinakamagandang nangyari sa kanila ay noong biyayaan sila ng mga magaganda at mabubuting anak.

Image courtesy: Ryan Agoncillo/Instagram



Mayroong silang tatlong anak na mga pinangalanan na, ang pinakapanganay na si Yohan, ang pangalawa na si Lucho, at ang bunsong si Luna. Ang bawat isa sa kanila ay itinuturing ng mag-asawang Agoncillo na mga anghel na hulog ng langit na dumating sa kanilang buhay.

Tunay nga na masayang-masaya ang buhay ngayon nila Juday dahil sa kanilang kompletong pamilya at mabuting asawa na si Ryan. Samantala, ipinagmamalaki naman na ibinahagi ni Ryan sa kanyang IG account ang napakacute na litrato ng kanyang mag-ina na sina Judy Ann at Luna.

Makikita sa litrato na napaka-charming ng itsura ng kanilang bunsong anak na si Luna na talagang nakikisabay pa na nakikipagkulitan sa kanyang ina.

Sa nasabing post na ibinahagi ni Ryan, sinamahan niya pa ito ng nakakatuwang caption na kumuha ng atensyon ng mga netizens. Ang kanyang post ay nagbigay ng mga positibong komento mula sa mga taga-sunod.

Image courtesy: Ryan Agoncillo/Instagram



Pansin na pansin sa reaksyon ng mga netizen na tuwang-tuwa sila na makita ang effortless na kagandahan at kacute-an ng babaeng anak nila Ryan na si Luna.

Ang nakakatuwang caption na nilagay ni Ryan sa kanyang post na mga litrato ng kanyang anak at asawa ay, “Good Morning! Tunay naming apelyido talaga ay Bangs, Ryan’s Bangs.”

Makikita sa mga litrato na ang mag-ina ni Ryan na nagseselfie habang nagpopose ng wacky habang mayroong mga hairstyle na nakalitaw ang mga Bangs. Maging ang ilan sa mga kaibigan nilang artista ay nagkomento rin sa nakakatuwang post ni Ryan.

Sino nga ba naman ang hindi matutuwa na makita at pagtuunan ng pansin ang mga ganitong klaseng post ng ating mga iniidolo. Kahit sino naman siguro ay maaaliw na nasusubaybayan ang buhay ng ating mga hinahangaan na artista.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *