Masayang ibinahagi ni Richard Gomez ang kanyang pagtatapos sa pag-aaral ng Doctorate in Public Administration

Kamakailan lamang natamo ni Richard Gomez ang isa sa pinakamagandang regalo na kanyang natanggap sa kanyang buhay. Nagtapos ang alkalde ng Ormoc City ng Doctorate Degree para sa kursong Public Administration sa eskuwelahan ng Cebu Technology University.

Image courtesy: Richard Gomez/Instagram



Ibinahagi ito ni Goma sa kanyang IG account ang kahalagahan para sa kanya ng tagumpay na ito at kung kung gaano kahalaga ang edukasyon para sa kanya. Ang mga litrato na ibinahagi niya ay ang mga graduation photos niya.

Todo-suporta naman ang kanyang asawa na si Lucy Torres-Gomez sa kanyang nakamit na pinakamalaking tagumpay. Si Lucy ay isa sa mga dumalo at naging speaker rin siya ng kaganapan.

Ayon kay Richard Gomez, kung mayroon kang wastong time-management o paghahati-hati mo ng iyong oras para sa mga kailangang gawin ay mas marami kang maaaring gawin bukod sa pagiging isang alkalde. Ayon sa kanya, maaari kang mag-aral muli, aniya kung kaya ko, kaya niyo rin.

Tunay nga napakaespesyal ngayon ang pasko ngayon ng pamilya ni Richard at Lucy dahil sa achievement na ito. Maaari na siyang tawagin na Meyor o Doktor o Goma.

Image courtesy: Richard Gomez/Instagram



Ayon kay Richard, espesyal palagi ang kanilang kapaskuhan kasama ang asawa na si Lucy, anak na si Juliana, at ang kanilang mga in-laws na sama-samang nagdiriwang sa Pasko sa Ormoc City.

Dagdag pa rito, ang tanging hiling lamang ni Goma ay kasiyahan sa maraming indibidwal, magandang kalusugan. Dahil iyon ang pinakaimportante sa lahat upang mas marami kang magawa at matulungan na ibang tao.

Ayon sa IG post ni Richard Gomez,

“Sa araw na ito magtatapos ako sa aking pag-aaral ng Doctorate in Public Administration sa paaralan ng Cebu Technological University.” Dagdag pa rito ay ang kanyang thesis ay may pamagat na Modeling the Intertwining Constructs of Green Information Technology Adoption Diversity.

Gayunpaman, kahit na maraming pinagkakaabalahan ang alkalde sa kanyang pagseserbisyo sa sambayanan, marami naman sa mga fans ang umaasa na makikita pa rin nila si Richard sa telebisyon na mayroong mga proyekto bilang artista.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *