Ito ang ilan sa mga litrato ng magarbong 41st Birthday ni Manny Pacquiao na Ibinahagi ng kanyang asawa

Masayang nag celebrate ang pamilya Pacquaio para sa ika-41 na kaarawan ni Manny noong Disyembre 17, 2019 (Martes) na ginanap sa Makati Shangri-La Hotel.

Image Courtesy: Instagram/JinkeePacquaio



Ang kaarawan ng Pinoy Boxing Champ na si Manny ay pinaghandaan ng todo ng kaniyang pamilya kung saan pasabog ang lahat ng dekorasyon at ang kaniyang mga handa. Naisakatuparan ang kaniyang Birthday dahil na rin sa ginawang paghahanda ng kaniyang asawa na si Jinkee.

Image Courtesy: Instagram/JinkeePacquaio

Ilang linggo bago ang celebrasyon ay naghanda na si Jinkee ng disenyo at theme para sa kaarawan ng asawa sa tulong ng sikat na event stylist na si Gideon Hermosa. Ang Rizal Ballroom sa loob ng Makati Shangri-la ay na-transform at napuno ng mga red flower arrangements at malalakihang chandelier.

Image Courtesy: Instagram/JinkeePacquaio
Image Courtesy: Instagram/JinkeePacquaio

Matapos ang laban ni Pacquiao noong July kung saan ito ay nanalo via split decision win laban kay Keith Thurman, naging usap-usapan na si Manny ay unbeatable kahit na ito ay nagkaka-edad na.

Kahit gaano kagarbo ang kaniyang 41st Birthday celebration, nanatili pa ring simple ang Boxing Champ kung saan suot lamang nito ang isang tuxedo at fedora combo. Habang si Jinkee at ang kaniyang mga anak naman ay nakasuot ng red gown at si Mommy Dionisia naman ay nakasuot ng kulay violet pink na gown.

Image Courtesy: Instagram/JinkeePacquaio
Image Courtesy: Instagram/JinkeePacquaio



Image Courtesy: Instagram/JinkeePacquaio

Sa instagram post ni Jinkee ay makikita ang napaka gandang pagkadekorasyon ng kaniyang birthday celebration. Kulay black at red ang napili nilang theme kung saan punong puno rin ang event ng mga red flowers sa entrada ng ballroom area.

Image Courtesy: Instagram/JinkeePacquaio
Image Courtesy: Instagram/JinkeePacquaio
Image Courtesy: Instagram/JinkeePacquaio

Sa katunayan, maraming ipinagpapasalamat si Manny sa taong ito dahil napakarami niyang achievements bago sumapit ang kaniyang kaarawan. Nabalitaan na matapos itong manalo sa kaniyang laban sa Boxing ay nakatapos din siya at naka-graduate sa University of Makati sa kursong Bachelor of Arts in Political Science-Local Government Administration noong Disyembre 11, 2019. Nakasama rin ito sa pag-host ng 2019 Southeast Asian Games bilang torch bearer kasama ang isang boxing champion na si Nesthy Petecio.

Image Courtesy: Instagram/JinkeePacquaio

Laking pasasalamat naman ni Manny dahil siya ay umabot sa edad na 41 na masaya at kapiling ang pamilya at nakamit na niya ang kaniyang mga pangarap sa buhay.

Image Courtesy: Instagram/JinkeePacquaio
Image Courtesy: Instagram/JinkeePacquaio

Sa daming achievements ni Manny ay ganoon rin kasing dami ang kaniyang mga natulungan na mga tao na nangangailangan ng kaniyang tulong. Kahit na isa siya sa pinaka mayaman na tao sa Pilipinas, nananatiling humble at down to earth pa din ito kaya naman lubos ang suporta ng kaniyang mga tagahanga at ng Panginoon sakaniya.

Image Courtesy: Instagram/JinkeePacquaio
Image Courtesy: Instagram/JinkeePacquaio
Image Courtesy: Instagram/JinkeePacquaio

Happy Birthday Manny Pacquiao! May God Bless you!



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *