Ito ang minimalist na tahanan ni Paolo Ballesteros na madalas niya ibahagi sa madla

Si Paolo Ballesteros or Paolo Elito Macapagal Ballesteros IV ay isa sa mga “Dabarkads” ng long-time-running noontime show na ‘Eat Bulaga’. Kinilala ang kaniyang galing sa mga pagganap niya sa iba’t ibang role ng mga pelikula na talaga namang pinilahan sa mga sinehan.

Maliban dito ay itinanghal din siyang “transformer star” ng bansang Pilipinas dahil sa kakaibang talento at kakayanan na magaya ang mukha ng ilan sa mga kilalang international celebrities sa pamamagitan lamang ng make-up. Ilan nga sa mga ginaya niya ay sina Tyra Banks, Caitlyn Jenner, Angelina Jolie, Mariah Carey, Kim Kardashian at marami pang-iba.

Image courtesy: Instagram/PaoloBallesteros



Image courtesy: Instagram/PaoloBallesteros

Kamakailan lang ay naging laman ulit siya ng usap-usapan sa social media nang ibahagi niya ang ilang larawan ng kaniyang dream house na matatagpuan sa isang eksklusibong subdivision sa Antipolo, Rizal. Makikitang nakatayo ito sa isang mataas na lugar kung saan matatanaw ang malawak na kabundukan.

Image courtesy: Instagram/PaoloBallesteros
Image courtesy: Instagram/PaoloBallesteros

Magkahalong klasik at moderno ang naging disenyo ng tatlong palapag na bahay ng aktor at napapaligiran ito ng matataas na pader. Sa gilid nito ay mayroong nakatanim na halaman na kung tawagin ay “mother tongue” na siyang nagsisilbing payak na disenyo.

Kapansin-pansin rin ang kombinasyon ng mga kulay na itim, puti at kayumanggi sa loob at labas ng bahay mayroong “minimalist” na gamit at mga furniture. Dahil nga sa magandang tanawin sa lugar ay mas pinili ni Paolo na palibutan ng mga bintanang salamin ang kaniyang bahay nang sa ganoon ay makita ang bawat anggulo ng maganda lugar ng Antipolo.

Image courtesy: Instagram/PaoloBallesteros
Image courtesy: Instagram/PaoloBallesteros



Sa ilang Instagram pictures nga ay makikitang nasisikatan mismo ng araw ang kwarto ng aktor samantalang sa likurang bahagi naman ng bahay ay madalas niyang mapagmasdan ang ganda ng kalangitan sa tuwing papalubog na ang araw.

Image courtesy: Instagram/PaoloBallesteros
Image courtesy: Instagram/PaoloBallesteros

Ayon sa balitang inilibas ng Kapuso Network, sinimulan ng aktor ang konstruksyon ng bahay noong taong 2017 sa tulong ng Electus Builders architect na sina Gerald Torre at Lyra Tobias na lubos na pinapasalamatan ni Paolo.

Matapos nga isang taon na paghihintay ay nakalipat na rin sa kaniyang dream house ang aktor noong ika-19 ng Disyembre taong 2018. Sa bagong bahay niya rin sinalubong ang Bagong Taon kasama ang ilan sa malalapit na kaibigan sa show business.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *