Nagtungo sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa Intramuros para sa simple ngunit romantiko na date

Ang paglaan ng oras para sa iyong minamahal ay isa sa pinakaimportanteng bagay upang mapanatili ang magandang relasyon para sa isa’t-isa.

Image courtey: Kathryn Bernardo/Instagram



Ang inyong pamamasyal sa gabi at pagpunta sa mga kaaya-ayang lugar kasama ang espesyal na tao sa iyong buhay ang isa pinakamagandang halimbawa.

Kung susuwertehin ka pa at makakatagpo ka ng romantikong lalaki na tanging ikaw lamang ang pag-aalayan ng kanyang pag-ibig at pagsinta ay nararapat lamang na huwang na itong hayaan mawala o pakawalan.

Katulad na lamang ng artistang si Daniel Padilla, ang isa sa pinakasikat at hinahangaan ng napakaraming indibidwal ngayon sa buong Pilipinas na may pagkakahawig ng mga galaw ng kanyang tito na si Robin Padilla.

Tunay nga na talagang kakaiba ang istilo ni Daniel sa pagtrato sa isang babae dahil lagi siyang mayroong baon na mga pakulo upang pakiligin ang kanyang iniibig na si Kathyrn Bernardo.

Hindi nabibigo ang mga fans na kiligin sa mga sweet gestures ni Daniel para kay Kathyrn, nang kamakailan lamang ay dinala ni Daniel ang kanyang kasintahan sa Intramuros para sa kanilang Christmas Date.

Image courtey: Kathryn Bernardo/Instagram



Ilan pa sa mga lugar na kanilang binisita sa palibot ng Manila na maaaring pasyalan ay ang San Agustin Church at ang Gallery of Presidents of the Philippines.

Ayon sa IG post ni Kathyrn, “Nagkaroon sila ni Daniel ng Impromptu Date sa Intramuros bago ganapin ang kanila Christmas party dahil ang gusto ni Daniel ay matunghayan ni Kath ang hitsura ng lumang Manila sa gabi lalo na at holiday season.”

Naghanap rin diumano sila ng Bibingka na makakain ngunit nagkaubusan na nang dahil na rin siguro sa dami rin ng namamasyal doon.

Sa panahon ngayon marami ang nakakalimot na sa old style na panliligaw o date na kung tutuusin ay mas romantiko kaysa sa mga magagarbong pagkain sa mamahaling restaurant.

Si Daniel ay magandang halimbawa para sa mga nakababatang henerasyon ngayon dahil sa kanyang pagiging maginoo at mataas na respeto sa mga kababaihan.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *