Ito ang simpleng pagdiriwang nina Sharon Cuneta kasama ang kaniyang Pamilya nitong nagdaan na pasko

Ang sarap nga naman kumain ng Noche Buena kapag kasama ang ating mga mahal sa buhay sa Bisperas ng Pasko lalo na kung tayo mismo ang nagluto at naghanda ng pagkain para sa ating pamilya.

Subalit marami pa rin sa atin ang naghahangad ng sobra-sobra sa kapaskuhan kung saan ang simpleng Noche Buena kasama ang pamilya ay sapat na dapat para tayo ay maging masaya sa araw ng Pasko.

Alam niyo ba na maging si Sharon Cuneta ay mas pinili na lamang ang mapayapang gabi at simpleng handaan kasama ang pamilya sa bisperas ng pasko.

Image Courtesy: Instagram/Reallysharoncuneta



Masayang nagdiwang sina Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan kasama ang kanilang mga anak sa isang simpleng Noche Buena at Gift giving.

Image Courtesy: Instagram/Reallysharoncuneta

Ibinahagi ni Sharon ang ilang mga litrato sa kaniyang Instagram account kasama ang anak na si KC Concepcion at ang kaniyang mga dalagitang anak kay Kiko na kumakain ng Noche Buena at nagbibigayan ng regalo sa isa’t isa.

Image Courtesy: Instagram/Reallysharoncuneta

Pinili ng Pamilya na mag celebrate ng sama-sama sa isang simpleng Noche Buena na inihanda para sakanila ni Trish Panlilio.

Image Courtesy: Instagram/Reallysharoncuneta



Isa-isang ipinakita ni Sharon sa kaniyang Instagram Video ang kanilang napakasarap na handa. Mayroon silang Turkey, roast beef belly, mashed potatoes, devil’s egg with smoked salmon, Paella, at pork ribs na nakahanda sa kanilang dining table na may Christmas vibes na music sa kanilang background.

Image Courtesy: Instagram/Reallysharoncuneta
Image Courtesy: Instagram/Reallysharoncuneta
Image Courtesy: Instagram/Reallysharoncuneta

Napaka simple lamang ng kanilang celebrasyon kung saan matapos silang kumain ng Noche Buena ay nagbigayan ng regalo sa isa’t isa. Maging ang bunsong anak na si Miguel ay mayroong mga regalo para sa kaniyang mga ate na siya namang ikinatuwa ng mga ito.

Image Courtesy: Instagram/Reallysharoncuneta
Image Courtesy: Instagram/Reallysharoncuneta
Image Courtesy: Instagram/Reallysharoncuneta
Image Courtesy: Instagram/Reallysharoncuneta

Matapos nito ay nagkaroon ng Family picture taking sina Sharon kasama ang mga anak.

“Godbless us all this Christmas and in the coming year. I truly love you. Forever grateful, your Sharon,” caption ng aktres sa kaniyang Instagram account.

Image Courtesy: Instagram/Reallysharoncuneta
Image Courtesy: Instagram/Reallysharoncuneta

Makikita na masayang masaya ang mga bata kahit na hindi magarbo ang kanilang celebrasyon dahil mas natutuwa ang mga ito sa ganitong simpleng handaan lamang kasama ang mga magulang at ang mga kapatid.

Image Courtesy: Instagram/Reallysharoncuneta
Image Courtesy: Instagram/Reallysharoncuneta

Nakaka-inspire ang pagbabahagi ni Sharon ng kanilang Noche Buena dahil makikita mo na sila ay simple lamang kahit na napakayaman na ng mga ito. Nawa’y maging inspirasyon ito sa iba na naghahangad pa ng engrande at bongga na Pasko o Bagong Taon na maging kuntento na lamang sa simpleng handaan basta kasama ang pamilya.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *