Tatanda ang mga baby natin na ang turing sa isa’t-isa ay parang tunay na magkapatid, mensahe ni Solenn kay Anne

Ang pagkakaibigan nila Anne at Solenn ay maituturing na magandang ehemplo para mga humahanga sa kanila dahil sa mga kaganapan na nangyayari sa kanilang dalawa na talaga nga namang “Friendship Goals.”

Image courtesy: Anne Curtis & Nico Bolzico/Instagram



Ang kanilang pagkakaibigan ay mas tumibay at umusbong noong sila ay maging sisters-in-law nang mapangasawa ni Anne ang kapatid ni Solenn na si Erwan Heusaff.

Hindi dito huminto ang pag-usbong ng kanilang pagkakaibigan dahil tila isang tadhana na halos nagkasabay pa sila na magiging ina dahil kapwa nagdadalang-tao na ang dalawang magkaibigan.

Ang magkaibigang Anne at Solenn ay mga sikat na artista sa industriya ng show business sa Pilipinas na talagang hinahangaan ng marami dahil sa taglay nilang ganda at magandang personalidad.

Pahayag naman ni Solenn sa isang post sa kanyang IG account na ang kanilang mga anak ni Anne na puro kapwa baby girl ay sisiguraduhin nila na sila’y magiging parang tunay magkapatid habang sila ay lumalaki sa iisang clan bilang magpinsan. Ito ang kanyang eksaktong pahayag, “Our daughters are going to be like sisters. I hope they aren’t as crazy as we are when we were teens.”

Image courtesy: Anne Curtis-Smith & Solenn Heusaff/Instagram



Nabanggit ni Solenn na tanging hiling niya lang na sana’y hindi tularan ng mga bata ang kapasawayan ng kanilang mga ina noong kabataan nila. Ito ang lahat ng nabanggit ni Solenn na kanyang ipinost sa IG na may kasamang litrato na pareho silang nakaputing suot at lumilitaw na ang mga baby bump.

Si Solenn Heusaff ang inaasahan na medyo malapit na ang kabuwanan at mas mauunang magsilang ng kanilang munting anghel ni Nico Bolzico, samantalang si Anne naman ay hindi pa agad-agad manganganak ng maaga ngayong paparating na 2020.

Ang magkaibigan ay parehong first time na magiging ina at talaga namang kitang-kita ang kasiyahan sa kanilang mga ngiti. Ayon pa sa isang ulat tungkol sa dalawang magkaibigan na si Anne at Solenn, pareho silang kasalukuyan na kumukuha ng parenting class upang mas mapaghandaan ang pagsubok ng pagiging magulang.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *