Sila ang mga anak na babae ng mga kilalang artista na kopya ang mukha ng kanilang ina

Hindi sa lahat ng pagkakataon ay nagiging kamukha ng ina ang kanilang mga anak, minsan ay kamukha ng ama ang mga ito o kaya naman ay hawig ng kanilang mga lola at lolo. Ngunit mayroon rin namang pagkakataon na halos parang kakambal ng mga nanay ang kanilang mga anak dahil sa labis na pagkakapareho ng kanilang mga pisikal na katangian, narito ang ilan sa mga artista at kanilang mga anak na kahawig nila:



1.Sharon Cuneta at KC Concepcion

Madalas sabihin ng mga tao na si KC ay kawangis ng kanyang ama na si Gabby Concepcion ngunit kapag tinitigan mabuti ang aktres ay makikitang may nakuha rin itong features mula sa Mega Star.

Tuwing ngingiti at tatawa si KC ay makikita sa mukha nito ang kaparehong katangian ng mukha ng ina nitong si Sharon. Hindi lamang ang facial feautures ang nakuha ni KC, kung hindi pati na rin ang angking talento ni Sharon sa pagkanta.

Image Courtesy: Instagram/reallysharoncuneta/itskcconcepcion

2. Aiko Melendez at Marthena

Nakuha ng unica hija ni Aiko ang kanyang kagandahan at talento sa pag-arte. Napansin ng mga netizens na si Marthena ay may natural na talento sa pag-arte noong subukan nitong gayahin ang eksena na ginawa mismo ng kanyang ina sa palabas na “Wildflower” kung saan gumanap ito bilang isang kontrabida.

Image Courtesy: Instagram/aikomelendez

3. Carmina Villarroel at Cassy Legazpi

Hindi maipagkakaila ang pagkakapareho ng bakas ng mukha ng isa sa kambal ng mag-asawang Zoren at Carmina na si Cassy. Nakuha pareho ng kambal ang maamong mukha ng kanilang ina ngunit mas kamukha pa rin ni Cassy si Carmina lalo na kung sila ay magtatabi. Sa katunayan, kapag pinagtabi ang mag-iina ay maaari silang pagkamalan na triplets.

Image Courtesy: Instagram/Mina_Villaroel

3. Sunshine Cruz at Angelina

Ang panganay na anak ni Sunshine mula sa dating asawa na si Cesar Montano na si Angelina ay nakakakuha na ng atensyon sa social media dahil sa pagkakahawig nito sa aktres na ina. Pati ang tindig at kulay ng balat ay namana rin nito mula sa aktres kaya naman paniguradong kagaya nito ay patuloy rin itong mas gaganda pa sa paglipas ng mga taon.

Image Courtesy: Instagram/sunshinecruz718



4. Donna Cruz at Belle

Si Donna Cruz ay sikat na sikat noong dekada ’90 at nawala lamang sa showbiz mula noong nag-asawa ito. Ngayon ay naninirahan na ito sa Cebu kasama ang kanyang asawa at tatlong anak. Ang panganay nito at nag-iisang anak na babae na si Isabella Adriana ay matindi ang pagkakahawig sa kanya na siya mismong napansin ng mga tao na sumusubaybay sa kanilang social media accounts.

Image Courtesy: Instagram/bellabelleyl/donnacruzyl

5. Jaclyn Jose at Andi Eigenmann

Parehong mestiza ang mag-inang Jaclyn at Andi at makikita ang labis na pagkakahambing ng mga mukha nila lalo kapag pinagtabi ang lumang litrato ni Jaclyn noong ito ay dalaga pa at litrato ni Andi sa ngayon.

Image Courtesy: Instagram/AndiEigengirl

6. Lucy Torres at Juliana

Image Courtesy: Instagram/Lucytgomez

Si Juliana ay ang nag-iisang anak ng mag-asawang Lucy at Richard at marami ang nagsasabi na mas kahawig nito ang ama dahil na rin sa morenang balat nito, ngunit makikita rin mula sa mga litrato na nakuha rin nito ang mga magagandang katangian ng ni Lucy.

Mapapansin na sa ilang anggulo ay hawig ni Juliana ang kaniyang ina subalit mas big bones nga lamang si Juliana dahil siya ay kabilang sa volleyball varsity team ng Unibersidad ng Pilipinas.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *