Barbie Imperial masayang ipinagdiwang ang Holiday Season dahil sa bagong bahay nito

Sabi nga nila kakaiba daw talaga ang pagdiriwang na ginagawa ng mga Pilipino sa tuwing araw ng Kapaskuhan. Nariyan kasi ang samu’t saring mga pagkain na talaga namang nakakatakam at mas lalo pang pinasarap dahil kumpleto ang buong pamilya sa harap ng hapag-kainan.

Image Courtesy: Instagram/msbarbieimperial



Masagana rin tayo sa iba’t ibang regalo na ipinamamahagi natin sa ating mga mahal sa buhay at mga batang namamasko sa labas ng ating bahay. Ilan na nga sa mga regalong ito ay pera, pagkain, mga kagamitan o di kaya naman ay mga laruan.

Ngunit kakaiba ang natanggap na regalo ng aktres na si Barbie Imperial sa taong ito. Kamakailan lamang kasi ay naisakatuparan niya ang pangarap na regalo na magkaroon ng kaniyang sariling bahay.

“Dream come true and I still can’t believe it. Bago matapos ang 2019..I finally have my own house! Ang tagal ko pinaghirapan at pinagipunan ko to! Thank you Lord! Syempre thank you to everyone na nagtiwala from PBB, Showtime, RSB Shows, MMK, iWant, movies, mallshows, endorsements at syempre sa mga supporters ko. Thank you dahil sa inyo napasaya ko ang family ko. Merry Christmas indeed.”, caption ni Barbie sa ilang larawan na ibinahagi niya sa Instagram kung saan kasama niya ang kaniyang pamilya.

Image Courtesy: Instagram/msbarbieimperial

Talaga namang nagbunga ang sipag at pagtitiyaga ni Barbie mula pa lang sa pag-audition hanggang sa mga shooting at endorsements na ginagawa niya.

Image Courtesy: Instagram/msbarbieimperial



Kahit na kaliwa’t kanan ang mga kontrobersiya na hinarap niya ngayong taon patungkol sa trabaho at love life ay hindi pa rin siya natinag at sa halip ay mas lalo ngang umusbong ang kaniyang karera bilang artista.

Image Courtesy: Instagram/msbarbieimperial

Nagsunod-sunod ang mga proyekto na kaniyang ginagawa at unti-unting nakilala ang pangalang Barbie Imperial sa mundo ng show business. Dahil nga dito ay mabilis siyang nakapag-ipon at naipagawa ang kaniyang dream house hindi lamang para sa sarili kundi para na rin sa kaniyang pamilya na siyang naging inspirasyon niya para magsumikap sa buhay.

Image Courtesy: Instagram/msbarbieimperial

Marami nga ang napa-wow hindi lang sa ganda at talento na taglay ng aktres kundi pati na rin sa magandang bahay na naipagawa nito. Tunay ngang “Merry” ang Christmas ni Barbie na ipinagdiwang niya sa bago niyang tirahan.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *