Ipinagdiriwang ng pamilya ni Julia Barretto ang Christmas Holidays Season sa United States bawat taon

Si Julia Francesca Barretto Baldivia o mas kilala bilang Julia Barretto sa industriya ng show business, ay kamakailan lamang ibinahagi ang kanyang holidays experience sa US.

Image courtesy: JuliaBarretto & MarjBarretto/Instagram



Ginunita nila ang kapaskuhan na magkakasama bilang isang pamilya sa ibang bansa. Sa kabila ng abalang iskedyul ni Julia, pinili niya munang magpahinga at ipagdiwang ang christmas holiday kasama ang kaniyang mga mahal sa buhay na malayo sa Pinas.

Tayong mga Pilipino ay nakaugalian na tuwing sasapit ang kapaskuhan ay inaasahan na magkakasama-sama at magkakasiyahan kasama ang mga taong espesyal sa ating buhay.

Ang aktres na si Julia ay anak ng komedyante na si Dennis Padilla at ni Marjorie Barretto. Ang nakasama naman ni Julia sa US na ipagdiwang kapaskuhan ay ang kanyang ina na si Marjorie kasama ang mga kapatid na sina Claudia, Leon, at Erich.

Ang mga litrato na ibinahagi ni Julia at ng kanyang ina na si Marjorie sa IG ay mapapansin kung gaano sila kasaya na magkakasama na mas naging espesyal pa nang dahil sa ganda ng kapaligiran sa LA o Los Angeles.

Image courtesy: JuliaBarretto/Instagram



Ayon sa post ni Marjorie, “There’s something about Los Angeles na talagang nagbibigay sa aming lahat ng kasiyahan. Ako kasama ang mga bata ay aming ginugugol ang holidays rito ng maraming taon na, almost feels like home. Feeling so grateful today.”

Gayunpaman, mapapansin rin na hindi kasama ang mas nakakatandang kapatid ni Julia na si Dani Barretto na kamakailan lamang nitong Abril 2019 ay ikinasal ito. Ngunit tulad ni Julia, mayroon ring sariling bakasyon si Dani ngayong holiday kasama ang bagong sariling pamilya nito sa Tagaytay.

Isa na ring dahilan kung kaya hindi pumunta si Dani sa US ay dahil na rin masyado pang baby ang anak ni Dani Barretto kung kaya’t hindi niya ito madala. Gayunpaman, hindi mapapagkaila na masayang-masaya ang bawat taon na kaganapan sa pamilya ni Julia Barretto.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *