Silipin ang ipinatayong Modernong Kubo nina Gwen Zamora at David Semerad

Masayang-masaya ang aktres na si Gwen Zamora at basketbolistang si David Semerad dahil bago pa man matapos ang taong 2019 ay naisakatuparan na nila ang pagbuo sa kanilang dream house. Tinawag nila itong “The Semerad Cabin” na sila mismo ang nag-disenyo. Isa itong modernong bahay kubo at matataguan sa malawak na kapatagan ng Batangas.

Image Courtesy: Instagram/djsemerad



Image Courtesy: Instagram/djsemerad
Image Courtesy: Instagram/djsemerad

Makikita rin sa mga larawang ibinahagi ng magkasintahan sa kani-kaniyang Instagram account kung papaano nila binuo ang nasabing tirahan. Sa tuwing hindi sila abala sa trabaho ay bumibisita sila sa lugar para unti-unting matapos ang mga kailangang gawin simula sa pagpaplano hanggang sa pagpipintura sa loob at labas ng kubo.

Image Courtesy: Instagram/djsemerad

“I couldn’t have done it without you!!! Our free days have gotten much better  I love you #semeradcabin,” mensahe ni David para sa kasintahan na kaniya namang ibinahagi sa Instagram.

Image Courtesy: Instagram/djsemerad

May kalakihan ang kanilang bahay para na rin sa lumalaki nilang pamilya dahil ngayong taon din ipinanganak ng aktres ang kanilang baby boy na si Cooper.

Mayroon itong maliit na veranda kung saan tanaw na tanaw ang ganda ng kapaligiran. Kapansin-pansin rin ang paggamit nila ng kulay itim na pintura na siyang nagbigay ng kakaibang ganda sa kanilang kubo.

Image Courtesy: Instagram/djsemerad



Samantala, malamig man ang simoy ng hangin sa lugar ay naglagay pa rin sila ng aircon sa bahay para na rin sa paghahanda sa panahon ng tag-init sa ating bansa. Naglagay din sina Gwen at David ng ilang upuan at mesa sa labas ng bahay kung saan maari silang mag-relax.

Talaga namang napakaganda ang kinalabasan ng plano ng dalawa at dito nga nila ipinagdiwang ang kauna-unahan nilang pasko sa bago nilang bahay na malayo sa ingay at polusyon ng syudad ng Maynila.

Image Courtesy: Instagram/djsemerad
Image Courtesy: Instagram/djsemerad

“I couldn’t be more proud of all the sweat we put in @djsemerad… Cannot wait to spend our first of many Christmas in our second home,” caption ni Gwen sa ilang larawan na nagpapakita ng mga detalye patungkol sa kanilang bahay.

Image Courtesy: Instagram/djsemerad

Sadya ngang mas masaya mamuhay ng simple sa probinsiya kaya naman hindi nakakapagtakang kahit mga artista at kilalang personalidad sa ating lipunan ay nagpapatayo ng kani-kanilang mga bahay dito.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *