Ito ang Ginawa ni Pauleen Luna kaya bumalik ang dating hubog ng kaniyang katawan matapos manganak

Kasabay ng pagbubuntis ang malaking pagbabago na nagaganap sa katawan ng mga kababaihan dahil kadalasan ay nadadagdagan ang kanilang timbang dahil na rin sa paglaki ng bata sa kanilang sinapupunan.

Kaugnay nito, maraming mga nanay ang naghahangad na maibalik sa dating magandang hubog ang kanilang katawan kaya naman iba’t ibang paraan ng pagpapayat ang kanilang sinusubukan.

Isa na nga sa mga ito ang celebrity mommy na si Pauleen Luna-Sotto. Kapansin-pansin ang kaniyang pagtaba nang mabuntis sa anak na si Talitha o ‘baby Tali’.

Image Courtesy: Instagram/PauleenLunaSotto



Ganoon pa man, marami rin ang nagulat sa mga larawan na kaniyang ibinahagi kamakailan lamang kung saan kitang-kita ang magandang hubog ng kaniyang pangangatawan. Sa katunayan ay aakalain mo ngang parang hindi siya nagbuntis at nanganak.

Image Courtesy: Instagram/PauleenLunaSotto

Pagkain ng tama at regular na ehersisyo ang ginagawa ni Pauleen para unti-unting maibalik ang dati niyang katawan. Isa sa kaniyang mga ginagawang work-out sa gym ay ang popular na ‘Pilates’.

Image Courtesy: Instagram/PauleenLunaSotto

“Survived my first Pilates session! I can’t even remember the last time I worked out”, caption niya sa isang Instagram post.

Image Courtesy: Instagram/PauleenLunaSotto

Medyo naninibago pa ang kaniyang katawan sa mga ginagawa niyang paraan ng pagpapayat lalo na at mahigit limang taon na niyang hindi ginagawa ang ganitong uri ng ehersisyo bago siya manganak.

Image Courtesy: Instagram/PauleenLunaSotto
Image Courtesy: Instagram/PauleenLunaSotto

“This feeling of being in workout clothes is so unfamiliar but truth be told, 5 years is a loooooong time and I missed it!”, dagdag pa ni Pauleen.

Ibinahagi niya rin sa mga netizens at kapwa mommies na mahalaga ang pagkakaroon ng panahon para sa kanilang sarili sa kabila ng pagiging abala sa mga gawaing bahay kagaya na lamang ng pag-aalaga ng kanilang mga anak.

Image Courtesy: Instagram/PauleenLunaSotto

” Even though there is ‘mom guilt’ when I spend me-time, I think it is also important that I look after my health, especially now that I have my own family.”

Image Courtesy: Instagram/PauleenLunaSotto



Napagtanto niya rin na mahalaga ang pagbibigay ng oras para masigurong maayos ang kaniyang pansariling kalusugan lalo na at malaking bagay ito para masigurong maaalagan niya ng mabuti ang kaniyang buong pamilya.

Image Courtesy: Instagram/PauleenLunaSotto

“And now, I realized that it doesn’t necessarily mean that I love my family less when I take care of myself! As a matter of fact, I feel like I give them more because I am happy!”, ani Pauleen.

Talaga namang ang laki ng pagbabago sa katawan ni Pauleen Luna. Kung dati ay madalas siyang ipuna dahil sa kaniyang timbang, ngayon ay kung mapapansin ay talaga namang fit na ito at maganda na ang hubog ng kaniyang katawan.

Image Courtesy: Instagram/PauleenLunaSotto
Image Courtesy: Instagram/PauleenLunaSotto

Kaya naman madalas niyang ipayo kung gaano ka-importante ang pagi-ehersisyo ng bawat isa sa atin dahil hindi lamang ito nakakatulong sa pagtanggal ng mga taba kundi upang mapanatili ring malakas ang ating buong katawan at magkaroon tayo ng good mood.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *