Ito ang modernong bahay na naipundar ng mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid

Sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid ay tinaguriang isa sa mga ‘power couple’ sa mundo ng show business hindi lamang dahil sa pagiging sikat nila sa larangan ng musika kundi dahil na rin sa kakayanan nilang mapanatiling matatag at masaya ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa.

Image Courtesy: Instagram/reginevalcasid



Sa kasalukuyan ay masasabing matagumpay nga ang kanilang showbiz career lalo na ang kanilang binuong pamilya kasama ang anak na si Nate. Maging ang kanilang tirahan ay maituturing rin na isang ‘power house’ lalo na at gawa ito sa modernong mga kagamitan at disenyo.

Image Courtesy: Instagram/ogiealcasid
Image Courtesy: Realliving

Tatlong palapag ang naipundar na bahay ng mag-asawang Alcasid at matatagpuan ito sa isang pribadong subdivision sa Quezon City. Maliban sa konkretong pader ay gumamit rin sina Ogie ng mga salamin para sa dingding ng kanilang bahay upang bigyang daan ang natural na liwanag ng araw.

Image Courtesy: Realliving

Ayon sa singer at song writer, sumisimbolo din ito ng pagiging bukas nila sa publiko at kagustuhang maibahagi ang kwento ng totoo nilang buhay sa kanilang mga tagahanga.

“All the open space in our home speaks of who we are. We’re very transparent people. We really don’t try to hide things from people,” pagbabahagi ni Ogie.

Image Courtesy: Instagram/ogiealcasid

Magagara ang mga kagamitan sa loob ng tahanan ng pamilyang Alcasid at makikita dito ang paboritong piano ni Ogie pati na rin ang iba pang instrumento sa kanilang music room kung saan siya nagsusulat at gumagawa ng mga kanta.

Image Courtesy: Realliving



Sa ikalawang palapag ay nandoon ang malawak na lugar para sa kanilang sala, kusina at dining area. Gusto ni Regine ang pagkaka-ayos ng kaniyang kusina dahil maliban sa malaki ang espasyo nito ay nakikita rin siya ng mga bisita kung papaano siya nagluluto. Maliban dito ay mayroon din silang sariling lugar para sa kanilang ‘home office’ at ito ay napapaligiran ng salamin kung saan matatanaw ang mga halaman sa labas ng kanilang hardin.

Image Courtesy: Realliving

Sa ikatlong palapag naman matatagpuan ang kanilang kwarto at walk-in closet. Ang anak nilang si Nate ay mayroon ding sariling kwarto maliban pa sa ‘master’s bedroom’ nilang mag-asawa. Makikita dito ang lahat ng kaniyang gamit kagaya ng damit, higaan at mga laruan.

Image Courtesy: Realliving
Image Courtesy: Instagram/reginevalcasid

Samantala, sa gilid ng kanilang bahay ay matatagpuan ang kanilang over-looking swimming pool na napapaligiran din ng mga halaman. Naisakatuparan ang kahilingang ito ni Regine matapos niyang makumbinse ang asawang si Ogie Alcasid.

Image Courtesy: Realliving

Talaga namang napakaganda ng bahay ng mag-asawang Ogie at Regine at mababakas dito ang kanilang tagumpay sa iba’t ibang larangan ng buhay.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *