Ito na ang buhay ngayon ni Cristina Gonzales, isa sa may pinakamagandang mukha sa Industriya

Maraming nag-gagandahan na hubog ng katawan na artista ang namayagpag noong dekada ’90, ngunit isa na siguro sa pinakamagandang mukha na nakita sa mga pelikula at palabas ang kay Cristina Gonzales.

Image Courtesy: Youtube



Mayroon itong napaka-among mukha at mestiza na balat na talaga namang nagpahanga sa mga manonood. Nagsimula ito sa mga mahinhing karakter hanggang sa ito ay mas nagka-edad nang kaunti at sumabak na rin sa mga mas daring roles. Hindi katagalan ay nakilala na rin ito bilang isa sa mga calendar girls ng White Castle, isang brand ng inumin.

Image courtesy: Youtube

Si Cristina ay ang panganay na anak ng dati ring matinee idol na si Jose Mari Gonzales at ng maganda rin nitong ina na si Charito Malarky.

Mula nang tumanggap ito ng mas daring na roles ay mas dumami ang naging proyekto nito, ang huli sa mga pelikulang pinagbidahan nito ay ang Matinik na Kalaban, Grepor Butch Belgica Story na parehong ipinalabas noong taong 1995 at ang Bagamundo taong 1996.

Image Courtesy: Instagram/CristinagonzalesRomualdez

Tuluyan nang iniwan ng dating aktres ang showbiz mula noong ikasal ito kay Alfred Romualdez at nabiyayaan sila ng dalawang magagandang anak. Ang asawa nitong si Alfred ay pamangkin ni Imelda Marcos kaya hindi na rin kataka-takang pumasok ito sa politika at maging ang dating aktres mismo ay nagbigay serbisyo sa publiko bilang councilor sa Tacloban taong 2007-2016 at mayor taong 2016 hanggang 2019.

Image Courtesy: Instagram/CristinagonzalesRomualdez
Image Courtesy: Instagram/CristinaRomualdez



Isa ang pamilya ni Cristina sa mga nasalanta ng super typhoon na Yolanda ngunit nakabangon muli ang mga ito at ngayon ay maayos na ulit ang kanilang kalagayan.

Image Courtesy: Instagram/CristinaRomualdez
Image Courtesy: Instagram/CristinaRomualdez

Sa kasalukuyan ay mahigit 50 anyos na ito pero ang taglay nitong natural na kagandahan ay wala pa ring kupas. Ang mukhang minahal ng mga tao noon ay masisilayan pa rin sa kanya at ang katawan nito ay nanatiling fit kahit pa ilang taon na ang lumipas.

Image Courtesy: Instagram/CristinagonzalesRomualdez
Image Courtesy: Instagram/CristinagonzalesRomualdez

Ayon sa dating aktres ay patuloy itong nagwo-work out upang mapanatili ang magandang hubog ng kanyang katawan at ang balat naman nito ay inaalagaan rin nito nang husto upang palagi pa rin itong mukhang fresh.

Image Courtesy: Instagram/CristinagonzalesRomualdez
Image Courtesy: Instagram/CristinaRomualdez

Madalas mabahagi ng mga litrato si Cristina sa kaniyang Instagram account kung saan lagi din itong nasa ibang bansa kasama ang kaniyang mga anak. Hanggang ngayon ay marami pa rin ang tagahangan ng aktres dahil walang kupas pa rin ang kaniyang kagandahan na kung titignan ay para bang nasa age 20-30 years old pa lamang siya.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *