Kilalanin ang dalawang magagandang anak nina Ronnie Ricketts at Mariz Ricketts

Si Ronaldo Naldo Ricketts, o kilala sa publiko bilang Ronnie Ricketts, ay sumikat bilang aktor na bumida sa ilang mga action films at mga palabas sa TV na kalaunan ay naging scriptwriter rin, film director at line producer.

Maliban doon ay kilala ito bilang isang martial artist at ito ay dating Presidente rin ng Philippine Film Actors Guild at Chairman ng Optical Media Board, Philippines. Ikinasal ito kay Mariz, isang aktres, singer at TV host, noong ika-18 ng Disyembre taong 1993 na ginanap sa San Antonio Church sa may Forbes Park.

Maliban sa pagiging asawa ay maituturing rin na business partner nito si Mariz. Ang mag-asawa ay nabiyayaan ng dalawang magagandang anak na babae na sina Marella Rosabelle at Raechelle Marie.

Image Courtesy: instagram/marizricketts/



Ang bunsong anak ng mag-asawa na si Raechelle Marie ay nakakatawag na ngayon ng pansin mula sa mga netizens dahil sa magagandang litrato nito na pino-post niya sa kanyang Instagram account.

Image Courtesy: instagram/marizricketts/

Makikita sa mga kuha nito na mahilig pumunta sa beach ang dalaga at sa mga isinusuot nitong swimsuits ay lumilitaw nang husto ang natural na kurba ng katawan nito at ang fit na fit nitong katawan lalo pa dahil kagaya ng ama ay mahilig rin ito sa sports at madalas itong mag-work out sa gym.

Image Courtesy: instagram/marizricketts/

Tunay na namana nito at ng kanyang kapatid na si Marella ang magandang lahi ng kanilang mga magulang kaya hindi na rin nakakagulat na napakaganda ng aura nito.

Image Courtesy: instagram/marizricketts/

Hindi kagaya ng ibang mga anak ng sikat na mga tao, wala masyadong impormasyon ang makikita sa social media tungkol sa dalaga dahil mukhang pribado itong tao.

Image Courtesy: instagram/marizricketts/

Habang si Mariella naman ay mapapansin na madalas itong magbakasyon at mag-travel. Isa rin itong aktres at gumanap na ito sa ilang mga pelikula kasama ang kaniyang Ama. Madalas rin itong mag-post ng kaniyang mga endorsement shoot na kaniyang ibinabahagi sa kaniyang Instagram account.

Image Courtesy: instagram/marizricketts/



Image Courtesy: instagram/marizricketts/

Ayon naman sa ibang reports, ang bunsong anak na si Raechelle ay kasalukuyang abala sa kaniyang bagon proyekto na kung saan bibida ito sa isang pelikula kung saan ipapakita ang tunay na buhay ng sikat na doktor at public servant na si Dr. Willie Ong kung saan ito gaganap ito bilang batang Doc Liza, ang asawa ni Dr. Willie na isa ring doktor.

Image Courtesy: instagram/marizricketts/

Habang ang kaniyang ina naman na si Mariz Ricketts ay gaganap bilang matandang version ni Doc Liza. Makakasama niya rito ang aktor na si Hero Angeles na gaganap naman bilang batang Dr. Willie Ong.

Sa susunod na taon ipapalabas ang pelikula at ang kikitain umano ay mapupunta sa mga taong nangangailangan ng medikal na atensyon at para na rin sa mga mahihirap. Ang pelikulang ito ay nasa ilalim ng direksyon ni Ronnie Ricketts kaya naman maituturing na isang proyekto ito ng pamilyang Ricketts.

Image Courtesy: instagram/marizricketts/

Sa ngayon ay may kaniya-kaniyang pinagkaka abalahan ang dalawa subalit mayroon pa rin naman silang oras para magbonding kasama ang kanilang pamilya. Kamakailan nga lamang ay nagkaroon sila ng family-get-together noong nakaraang pasko kasama ang kanilang mga magulang.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *