Umani si Kathryn ng mahigit sa kalahating milyong subscribers sa Kaniyang Vlog sa loob lamang ng dalawang araw

Salamat sa teknolohiya at hindi na tayo halos mawawalan ng mga bagay na maaring mapaglibangan. Nariyan ang iba’t ibang online games, social media at kahit nga mga dating palabas sa telebisyon ay napapanood na rin natin ngayon sa pamamagitan lang ng ating mga telepono.

Image Courtesy: Instagram/bernardokath

Isa pa sa mga kinaaaliwan ngayon ng mga netizens ay ang panunuod ng tinatawag na “Vlogs” o video blogs sa YouTube. Dito ay maaari nilang mapanood ang ilang bagay na nangyayari sa buhay ng mga artista sa labas ng show business. 

Sunod-sunod na nga ang paggawa ng mga artista ng kani-kanilang accounts sa YouTube dahil maliban sa nakakaaliw itong gawin at mas napapalapit sila sa kanilang mga fans ay kumikita rin sila depende sa dami ng kanilang subscribers at viewers.

Image Courtesy: Instagram/bernardokath

Kamakailan lang ay naingganyo na rin ang “Box Office Queen” na si Kathryn Bernardo na mag-umpisa ng sarili niyang YouTube channel at nakakagulat ang naging resulta nito makalipas lamang ang dalawang araw.

Sa loob lamang ng maikling panahong ito ay umani na agad ng mahigit sa kalahating milyong subscribers o tagapanood sa kaniyang video.

Image Courtesy: Instagram/bernardokath

Talaga namang napakalawak ng impluwensiya ng isang Kathryn Bernardo sa mga tao dahil kung tutuusin ay hindi madaling kitain ang ganoon kadaming subscribers. Sa katunayan nga ay ang ilang YouTubers ay umaabot ng mahigit isang taon para maabot ang bilang na iyon.

Image Courtesy: Instagram/bernardokath

Sa kasalukuyan ay mayroong dalawang videos sa kaniyang YouTube channel at ang kaniyang kauna-unahang vlog ay Part 1 ng kaniyang Iceland adventure kasama ang kasintahang aktor na si Daniel Padilla.

Image Courtesy: Instagram/bernardokath

“Sharing with you the first part of our Iceland adventure last September! This country was in both of our bucketlists so we relished every second we spent here. We tried our best to film it in a way that would make you feel as if you were part of the trip, so we hope you enjoy watching!”, caption ng aktres sa nasabing video.

Image Courtesy: Instagram/bernardokath

Nakakamangha ngang makita ang mga lugar na kanilang pinuntahan at mas lalong naging personal ang dating nito sa mga netizens dahil mismong sina Kathryn at Daniel ang may hawak ng camera.

Image Courtesy: Instagram/bernardokath
Image Courtesy: Instagram/bernardokath

Ayon sa mga naka panood, napaka simple lamang pala ng aktres at tila laging good mood ito pag kasama si Daniel. Ibinahagi rin ni Kathryn na excited siya sa tuwing sila ay pupunta sa ibang bansa dahil nakakapunta ito sa grocery store at nakakapamili ng kaniyang mga gustong bilhin dahil hindi raw nito nagagawa ito sa Pilipinas gawa na rin dahil sa kaniyang kasikatan. Tuwang-tuwa raw ito na siya mismo ang nag-grocery sa kanilang pagkain sa tuwing ito ay nasa ibang bansa.

Image Courtesy: Instagram/bernardokath
Image Courtesy: Instagram/bernardokath

Marami pang naibahagi si Kathryn Bernardo sa kaniyang episode na ito kung saan maraming netizens ang natuwa dahil sa pagiging open at simple ng aktres dahil parang nakasama na rin ang manonood sa kanilang travel.

Image Courtesy: Instagram/bernardokath
Image Courtesy: Instagram/bernardokath

Sabik na rin ang karamihan sa mga susunod pang vlogs ni Kathryn at iba pang videos patungkol sa kaniyang buhay bilang isang normal na dalaga at hindi artista. Sana magtuloy-tuloy pa ang kaniyang mga Vlogs!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *