Ipinakita ang loob ng bahay ng bagong tayo na Dream House nina Rodjun Cruz at Dianne Medina

Ang magkaroon ng sariling bahay ay pangarap nating lahat lalo na ng mga magkasintahan na nagbabalak nang lumagay sa tahimik at bumuo ng sarili nilang pamilya.

Image courtesy: Instagram/dianne_medina



Ito rin ang pangarap ng aktor na si Rodjun Cruz at long time girlfriend nitong si Dianne Medina na isang ring aktres at TV Host. Ang dalawa ay parehong kilala sa showbiz at 12 years silang magkasintahan.

Taong 2017 noong hingin ni Rodjun ang kamay ng kanyang nobya, bagay na ikinabigla ni Dianne dahil wala itong kamalay-malay na ang inaakala nitong selebrasyon lamang ng ika-30 birthday ng nobyo ay isang proposal rin pala ang mangyayari. Mula noon ay pinlano nilang maigi ang espesyal na araw nila.

Image courtesy: Instagram/dianne_medina

Dalawang araw bago ang kasal nila ay ibinahagi ni Rodjun at Dianne sa kani-kanilang Instagram accounts ang litrato at video ng kanilang bagong tayo na dream house.

Image courtesy: Instagram/dianne_medina

Ayon sa aktres ay ito ang unang investment nilang dalawa at ang naturang bahay ay inabot ng dalawang taon bago mabuo.

Image courtesy: Instagram/dianne_medina

Hands-on ang magkasintahan mula sa paghahanap ng contractor at pagpapatayo hanggang sa pagpili ng mga kagamitan sa bahay.

Image courtesy: Instagram/dianne_medina



Sabi rin nito ay talagang pinaghirapan nilang pareho ang pagbuo sa kanilang bagong tahanan at pinagtrabahuhan nila nang husto upang maisakatuparan ang isa sa kanilang mga pangarap. Nagpasalamat ang magkasintahan sa Diyos dahil biniyayaan sila Nito nang labis-labis.

Image courtesy: Instagram/dianne_medina

“2 days before the wedding. Sharing our Dream House. Our first house and first investment together. 2 months in search for the best contractor, 1 month of fixing permits, 1 year and 6 months of house construction from the ground up and 2 months of furnishing the house. We both worked really really really hard for this. Thank you Lord for blessing us much more than we deserve…”, caption ng aktres sa kaniyang Instagram account.

Image courtesy: Instagram/dianne_medina

Naisipan ng dalawa na itayo muna ang kanilang dream house bago tuluyang magpakasal kaya naman dalawang araw bago ang araw ng kanilang wedding ay masayang ibinahagi ng dalawa ang itsura ng loob ng kanilang bahay.

Image courtesy: Instagram/dianne_medina

May halong kulay brown at white palette ang labas na pintura ng kanilang bahay. Habang sa loob naman ay kulay white ang walls nito at makikita ang hagdan patungo sa kanilang second floor Loft. Napaka simple ng disenyo nito sa loob pero napaka elegante kung titignan dahil na rin sa kanilang mga kagamitan at disenyo sa loob.

Image courtesy: Instagram/dianne_medina
Image courtesy: Instagram/dianne_medina

Halos glass window ang harap ng kanilang bahay na siyang nakapagbigay ng liwanag sa loob ng kanilang dream house.

Image courtesy: Instagram/dianne_medina

Mayroon rin na sariling walk-in closet si Dianne kung saan ipinakita niya ang kaniyang mga collection ng bag at fashion wardrobe. Habang ang kanilang master bedroom naman ay napakasimple lamang subalit elegante ang disenyo ng kanilang headboard at ceiling.

Image courtesy: Instagram/dianne_medina
Image courtesy: Instagram/dianne_medina

Bukod dito, mayroon rin sariling swimming pool ang mag-asawa at nag-invest sila sa kanilang own theatre room kung saan mayroon itong malaking TV at lazyboy na mga upuan.

Image courtesy: Instagram/dianne_medina
Image courtesy: Instagram/dianne_medina

Bago sila ikasal, ibinahagi rin ng dalawa na nagkaroon na sila ng House blessing kasama ang kanilang mga pamilya at kaibigan kung saan nagkaroon sila ng salo-salo sa bagong bahay.

Image courtesy: Instagram/dianne_medina
Image courtesy: Instagram/dianne_medina
Image courtesy: Instagram/dianne_medina

Ikinasal si Rodjun at Dianne nitong nakaraang Disyembre 21, 2019 na ginanap sa Manila Cathedral. Dinaluhan ito ng mga malalapit na kaanak at kaibigan ng dalawa, kasama na ang kapatid ni Rodjun na isang ring aktor na si Rayver Cruz at iba pang mga kilalang personalidad sa showbiz gaya nina Sunshine Cruz, Janine Gutierrez, Max Collins, Andrea Torres, Maxine Medina, Alden Richards, Matteo Guidicelli, Joross Gamboa, Marco Alcaraz at marami pang iba.

Image courtesy: Instagram/dianne_medina
Image courtesy: Instagram/dianne_medina

Ang kasalang naganap ay naging emosyonal dahil parehong sumakabilang buhay na ang mga ina ng bagong mag-asawa.

Unang nawala ang ama ni Rodjun taong 2009 at nito lamang ay pumanaw naman ang ina nitong si Melody sanhi ng pancreatic c(a)ncer. Ang ina naman ni Dianne na si Vicky ay sumakabila noong July 2011.

Image courtesy: Instagram/dianne_medina
Image courtesy: Instagram/dianne_medina

Ikinalungkot man nila pareho na hindi kumpleto ang kanilang pamilya sa espesyal na araw na iyon ay masaya rin sila sa kaalamang masaya ang mga ito para sa kanila at paniguradong gagabayan sila pareho sa kanilang buhay mag-asawa.

Image courtesy: Instagram/dianne_medina

Nagkaroon ng tribute para sa kanilang mga ina sa reception ng kanilang kasal na ginanap sa Sofitel Philippine Plaza Manila.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *