Ipinagdiwang ng mag-asawang Makisig Morales at Nicole Joson ang kanilang unang anibersaryo bilang mag-asawa

Nagdiwang ng First Anniversary ang noon ay sikat na child star na si Makisig Morales at ang kanyang napakagandang kabiyak na si Nicole Joson.

Image courtesy: Makisig Morales/Instagram



Maganda ang pasok at simula ng bagong dekada para sa dating sikat na child star na si Makisig Morales at nang kanyang asawa na si Nicole Joson, isang Filipino-Australian beauty queen, nang kanilang ipagdiwang ang kanilang unang anibersaryo bilang mag asawa.

Sa edad na 23, sinigurado ni Morales na sa tatag ng kanilang pagsasama ay kayang kaya nilang lagpasan ang anumang balakid na haharang sa kanila ngayong taon, sinabi niya ito sa kanyang post sa instagram noong Miyerkules, January 8.

Masayang binati ni Makisig si Nicole ng “Happy First Anniversary my Love,”. “Marami tayong pinagdaanan noon at mga pagdadaanan pa sa ngayong taon, ang mahalaga ay magkasama natin itong haharapin!” Dagdag pa niya na sana manatiling masayahin, mapagmahal, puno ng sigla at kaweirduhan si Nicole. I ). I love you so much. [emoji] P.S I love you [emoji] @_nicolejoson_,”

Image courtesy: Makisig Morales/Instagram



Nagpahatid din si Nicole ng mensahe na nagpapahalaga sa kanilang mga pinagdaanan noong nakaraang taon at kung paano nilang dalawa ito nalagpasan. Masaya niya ring ibinahagi sa instagram ang isang mensahe para sa kanyang kabiyak “Happy 1st year Anniversary to My Better Half. Marami tayong pagsubok noong dumaang taon ngunit matibay nating sinuong ang mga problema”.

“Mananatiling Mahal ka sa hirap at ginhawa.” Ayon sa lehitimong ulat, ang mag asawa ay kinasal noong Enero nang nakaraang taon pero hindi tukoy kung anong eksaktong araw ito ginanap. Bago pa man nito ay engaged na sila noong September 2018.

Si Makisig Morales ay tanyag sa kanyang paganap bilang si Super Inggo noong taong 2006, isang sikat na fantaserye na nominado sa Emmy’s. Nagpahinga siya sa showbiz noong 2014 nang lumipat ang kanyang pamilya sa Australia. Pero hinahanap hanap niya parin ang pagiging artista kaya siya ay bumalik sa Pilipinas at sumabak ulit sa pag arte noong 2018 sa Bagani.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *