Ipinasilip ng Team Kramer ang napakalaking Home Theater sa kanilang tahanan

Isa sa pinaka-inabangan ng mga netizens ang grand reveal ng bahay ng sikat na pamilya sa social media na Team Kramer noon. Kinabibilangan ng mag-asawang Doug at Cheska at ng kanilang tatlong mga anak na sina Kendra, Scarlett at Gavin ang naturang Team. Mayroon silang sariling Youtube channel kung saan nila ibinabahagi ang kanilang buhay sa kanilang mga subscribers.

Image Courtesy: Instagram/DougKramer



Nitong nakaraang taon lamang ay ipinakita na sa publiko ang bagong tayong bahay ng pamilya. Ang pool, view at play room ang ilan sa mga pinakamagandang parte ng bahay. Subalit ang kanilang own home theater sa loob ng kanilang bahay ay isa na siguro sa pinaka-magara sa lahat.

Image Courtesy: Instagram/DougKramer

Sa isang vlog, ipinakita ni Doug ang kanilang bahay para sa kanilang mga followers at kasama na sa mga ipinasilip nito ang home theater ng pamilya.

Ayon sa PBA player ay personal nitong idinisenyo ang naturang kwarto dalawang taon na ang nakalilipas at naging hands-on ito mula sa pagpa-plano hanggang sa unti-unting pagbuo ng kanilang animo’y personal na sinehan.

Image Courtesy: Instagram/DougKramer

Mayroong malaking screen na naka laser projector, recliner chairs, Love seat Lazyboy chairs sa loob ng teatro na kung iisipin ay nagkakahalaga ng mahigit 15k-20k o higit pa ang kada upuan na ganito. Ang Home Theatre din na ito ay naka 4 horse power ceiling aircon kung saan ramdam mo ang lamig katulad sa mga sinehan. Kaya naman talagang kumportable ang panonood nila ng ano mang palabas. Ayon pag kay Doug, nanggaling pa sa Canada ang ilang kagamitan sa kaniyang Home Theatre.

Image Courtesy: Instagram/DougKramer



Image Courtesy: Instagram/DougKramer

Siya rin mismo ang nag disenyo ng theatre na ito kung saan mabusisi niyang pinili ang mga gagamitin na materyales at ang mga bibilhin na Furniture sa kanilang home Theatre. Pinasadya rin ni Doug na naka automated ang kanilang home theatre kung saan pwede niyang i-control ito sa kaniyang cellphone. Mayroon itong 11 speakers sa harap at gilid at may apat rin sa ceiling area.

Image Courtesy: Instagram/DougKramer

Tradisyon na raw ng kanilang pamilya ang panonood ng mga pelikulang may temang pang-holiday kada taon at ngayon na mas malaki na ang lugar kung saan pwede silang manood ay mas marami na rin silang pwedeng imbitahan na mga kaanak at kaibigan.

Image Courtesy: Instagram/DougKramer

Sa tuwing sila ay manonood sa kanilang theatre ay si Kendra ang bahala sa paggawa ng snacks lalo pa at marunong na raw itong gumamit ng kanilang smart oven, sa katunayan nga ay marunong na itong mag-bake ng cookies gamit ang nasabing oven.

Image Courtesy: Instagram/DougKramer
Image Courtesy: Instagram/DougKramer

Maliban sa video ng house tour nila ay nagbahagi pa ng isang larawan si Doug sa kanyang Instagram account kung saan makikita ang buong Team Kramer at iba pang parte ng kanilang pamilya na kumportableng nakaupo sa mga recliner chairs ng home theater.

Isa ang pamilya Kramer sa mga celebrities na kilala na mayroong pinakamalaking own home theatre sa kanilang bahay. Ayon sa mga netizens, baka ang isang kwartong ito ay umabot o nagkakahalaga ng 100-300 thousand pesos dahil sa sound system, television, recliner chairs at soundproof walls.

Image Courtesy: Instagram/DougKramer

Bukod sa home theatre ay sila rin ang isa sa may pinakamalaking kama kung saan ipinasadya pa nila ito sa kanilang sukat na gusto. Talaga namang makikita na napaka succesful na ng Team Kramer dahil sa sikap nina Chesca at Doug at dahil na rin sa kanilang mga anak na isa sa mga may napakaraming endorsements ngayon.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *