Malamig na sinalubong ng pamilya Pacquiao ang bagong taon sa Canada

Sa bagong karangalan na binigay ni Senator Manny Pacquiao nitong mga nakaraang taon ay may kaakibat din itong sakripisyo at pagod. Kaya talaga nga namang nararapat lang na siya ay magbakasyon kasama ang kanyang pamilya. Paano kaya sinalubong ng pamilya Pacquiao ang bagong taon?

Image courtesy: Manny Pacquiao/Instagram



Si Pacquiao ang nag iisang kampeon sa 8 magkakaibang dibisyon sa boxing, at itinuturing ng mga boxing analysts bilang isa sa pinakamagaling na professional boxer sa buong mundo. Bago makamit ang tagumpay ay marami ring naranasan na pagsubok at hirap angating pambansang kamao, 14 na taong gulang palang ay umalis na siya ng bahay nila para magtrabaho, ngunit hindi sapat ang pera na kanyang kinikita para matugunan ang pangangailangan ng kanilang panilya.

Kaya naisipan ni Manny na pasukin ang mundo ng boxing at ito na nga ang nagpabuti ng kanilang kinalalagyan. Ayon sa isang lehitimong source, ang ating pambansang kamao ay napabilang sa ika-walo sa mga “Highest Paid Athletes of the Decade”.

Image courtesy: Manny Pacquiao/Instagram



Ang kanyang 25 pay-per view fights ay umabot sa 20 million ang kumuha at tinatatyang aabot sa 1.3 bilyong dolyar at $436 ang kinita niya dito. Ibinalita naman sa pahayagan ng kapuso news network na ang pamilya Pacquiao ay nagtungong Alberta, Canada. Ang pambansang kamao, kanyang asawa na si Jinkee, mga anak, at si Mommy D. ay nag enjoy sa lamig na hatid ng winter. Naging oportunidad din ito upang makakuha sila ng magagandang litrato bilang isang masayang pamilya.

Kung ating babalikan, nakamit ni Manny noong 2019 ang kanyang pangarap na makapagtapos. Nagtapos siya sa University of Makati ng Bachelor’s degree in Political Science at nagwagi rin sa kanyang laban kay Adrien Boner noong Enero, at Keith Thurman noong July. Ang ating pambansang kamao na isa ring senador ay naging chairman din ng Senate Public Works: Ethics and Previleges Committee noong July.

Tunay nga na hindi matatawaran ang lahat ng tagumpay at napatunayan ni Manny Pacquiao na nagbigay ng napakaraming karangalan sa ating bansa na isa na rin na naging daan upang mas makilala ang ating bansa.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *