Pagmamalaking ibinahagi ni Gerald Anderson sa isang appreciation post ang kanyang ina

Nagpaabot ng isang nakakaantig na mensahe si Gerald Anderson sa kanyang ina na si Evangeline. Sinabi niya na Mahal na Mahal niya ang kanyang ina sa kabila ng mga kahinaan nito.

Maaalalang dinepensahan ni Mommy Evangeline si Gerald ng masangkot ito sa isang malaking kontrobersya ng magkahiwalay sila ni Bea Alonzo, sinabi niya na, “Hindi masamang tao ang anak ko.”

Image courtesy: Gerald Anderson/Instagram



Ganun pa man ang mga nangyari ay pinasasalamatan pa rin ni Gerald ang lumipas na taon sa kanyang mga nalagpasang pagsubok na nagturo sa kanya ng mga mahahalagang aral na pwede niyang gamitin ngayong bagong taon para harapin ang mga balakid na kanyang madaraanan. Sinimulan niya ang bagong taon sa pagpapakita ng pagmamahal sa kanyang ina.

Nagpost si Gerald ng larawan niya kasama si Mommy Evangeline, kita sa larawan na nag eenjoy ang dalawa sa snow. Nangako si Gerald na gagawin niya ang lahat para sa kanyang ina, “Siya ang nagbigay sa akin ng buhay, kaya babawi ako para sa lahat ng sakripisyo niya sa akin.”

Inamin ni Gerald na may mga kahinaan at pagkukulang din ang kanyang ina pero bilang anak ay hinding-hindi papabayaan ni Gerald ang kanyang ina, “Hindi siya perpekto, kagaya ng lahat ng tao sa mundo. Pero nag iisa lang si Mommy Evangeline, kaya ginagawa ko ang lahat para sa kanya.

Image courtesy: Gerald Anderson/Instagram



Maaalala na noong kasagsagan ng kontrobersyal na hiwalayan nila ni Bea Alonzo ay dinepensahan ni Mommy Evageline si Gerald sa mga taong tumutuligsa sa kanya. Nakatanggap ng mga hindi kanais-nais na komento si Gerald sa mga netizen, sinasabi ng mga netizen na nagkaroon dawn ng relasyon si Gerald at Julia Baretto na dahilan ng kanilang hiwalayan ni Bea. Sa kabila nito ay nagpahayag si Mommy Evangeline na “Hindi masamang tao ang anak ko!”

Pagkatapos nito ay nagpost si Gerald ng mensahe para sa kanyang sarili na nagsasabing handa na siyang iwan ang 2019. Dagdag pa niya na dahil sa mga problemang kanyang napagdaanan noong nakaraang taon ay nakilala niya kung sino talaga angkanyang mga tunay na kaibigan. Ayon sa kanya, ipinakita ng taong 2019 kung sino ang totoo.

Madaming negatibong ibinabato sa kanya pero hindi siya nagpapaapekto dito, hindi siya magbabago at patuloy na titingin sa positibong aspeto ng buhay lalo na sa kanyang mga makakasalamuha, maraming salamat 2019 pero kailangan na kitang iwan.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *