Ito ang kasalukuyang buhay ngayon ng dating sikat na aktor noong 90’s na si Onemig Bondoc

Naaalala niyo pa ba si Juan Miguel “Onemig” Rivera Bondoc, dahil kung ikaw ay ipinanganak noong 90’s ay alam mo sa sarili mo na may pagkakataon din na natanaw mo siya sa ilang mga palabas sa telebisyon na nagpasaya rin sa iyo dahil sa galing niya sa pag-arte.

Image Courtesy: Facebook/BondocOnemig



Madalas siyang mapanood sa mga palabas sa telebisyon noon kasama ang iba pang artista kagaya na lamang nina Kristine Hermosa, Angelu De Leon, Diether Ocampo at marami pang iba. Maliban dito, ang kaniyang larawan ay nakapaskil rin sa naglalakihang billboards pati na rin sa mga dating notebooks na ginagamit ng mga estudyante sa paaralan.

Image Courtesy: Facebook/BondocOnemig
Image Courtesy: Facebook/BondocOnemig

Sa murang edad na 15-taong gulang ay nag-umpisa na siya sa pag-arte at napabilang nga sa sikat na TV show na “Thanks God It’s Sabado” o TGIS. Dahil dito ay mas lalong nakilala ang kaniyang talento at galing bilang isang aktor kaya naman sunod-sunod na nagbukas ang pinto para sa iba’t ibang proyekto na kaniyang ginawa habang siya ay aktibo sa mundo ng show business.

Image Courtesy: Facebook/BondocOnemig

Ganoon pa man, mas pinili ni Onemig na talikuran ang pag-aartista noong Taong 2006 sa kabila ng kaniyang katanyagan dahil nais niyang lumagay sa tahimik na buhay kasama ang kaniyang asawa na si Valerie Bariou, isang Half-French Half-Filipina na commercial model at aktres.

Image Courtesy: Facebook/BondocOnemig



Nagbunga ng dalawang supling ang kanilang pagmamahalan ngunit noong taong 2013 ay ibinahagi ng dating aktor ang malungkot na balitang hiwalay na sila ng dating asawa.

Image Courtesy: Facebook/BondocOnemig

Ipinaglaban niya rin ang kustodiya ng mga bata sa hukuman lalo na at naniniwala siyang walang kakayanan si Valerie na maalagaan ang mga ito ng maayos. Sa kabutihang palad ay nanalo siya sa kaso at kasalukuyan ngang kasama ang mga anak sa probinsiya ng Mariveles, Bataan.

Image Courtesy: Instagram/uno_111
Image Courtesy: Facebook/BondocOnemig

Mas masaya ngayon si Onemig kahit na ibang-iba na ang kaniyang buhay kumpara sa makinang at maingay na mundo ng showbiz career niya noon.

Image Courtesy: Instagram/Uno_111

Kasama niya na kasi ang kaniyang mga anak at nagagawa niya ang mga bagay na gusto niya kagaya na lamang ng pagbibisikleta at pamamasyal sa magagandang tanawin sa Bataan.

Image Courtesy: Facebook/BondocOnemig

Abala rin ang dating aktor sa pag-aasikaso ng kaniyang food franchise business at sa ngayon ay patuloy na tumatayong ama at ina sa kaniyang dalawang anak.

Image Courtesy: Facebook/BondocOnemig

Samantala, kapansin-pansin na sa paglipas ng panahon ay wala pa ring kupas ang pagiging magandang lalaki ng dating matinee idol.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *