Siya ang napakagandang anak ni Lito Lapid na nagngangalang Maria Ysabel

Sino nga ba ang hindi nakakakilala kay Lito Lapid? Sa galing niyang sumakay ng kabayo at makipagbarilan ay talaga nga namang hahanga ka sa kanya. Isa siya sa sa mga magagaling na actor noon na umani ng mga parangal dahil sa kanyang mga palabas na puno ng aksyon. Tinangkilik ang kanyang mga pelikula at siya nga ay inidolo ng nakararami na naging dahilan din upang Manalo siya bilang senador ng Pilipinas.

Image courtesy: Maria Ysabel Ortega/Instagram



Bukod sa pagiging senador at artista ay may iba pa palang pinagkakaabalahan si Lito Lapid. Ito ay ang kanyang pagiging ama sa kanyang anak na si Maria Ysabel Lapid Ortega na mas kilala bilang Ysabel Ortega.

Si Ysabel ay ipinanganak noong taong 1995, siya ay bunga ng pagmamahalan ni Lito at mang-aawit na si Michelle Ortega. Si Ysabel ngayon ay isa ng ganap na dalaga, at hinanahagaan din sa social media sa angkin niyang ganda. Dahil sa angking ganda at talento na namana niya sa kanyang ama at ina ay hindi malayong maging ganap din siyang artista. Sa kasalukuyan nga ay ginagawa niya ang lahat upang sundan ang yapak ng kanyang ama.

Sa isang pahayag naman ay pinarating ni Ysabel na kahit pa sabihing nasa mundo na ng showbiz ang kanyang ama at ina ay hindi parin ito magiging madali para sa kanya. Pinasok ni Ysabel ang showbiz nang siya ay 16 na taong gulang pa lamang, dumaan siya sa mga hamon na kalimitang pinagdadaanan ng mga gustong maging artista.

Image courtesy: Maria Ysabel Ortega/Instagram



Ayon kay Ysabel, mas gusto niya na pagdaanan ang mga pagsubok na ito para mas mahasa pa ang kanyang talento at masabing nagawa niya ito dahil sa sariling pagsusumikap.

Dahil sa kanyang pagpupunyagi ay nasama narin siya sa ilang malalaking proyekto gaya ng ‘On the wings of Love, Born for You, Pusong Ligaw, at Araw Gabi’. Hindi naging madali sa kanya ang mga unang proyekto na ginawa niya, isang halimbawa ay nang kinailangan ng karakter niya na malasing, hindi pa niya ito nararanasan kaya nahirapan siyang gawin ito.

Naitawid niya ang eksenang yun sa tulong ng production team. Ayon kay Ysabel ay itinuring niya na idolo at modelo ang kanyang ama lalo na sa pag arte at naging inspirasyon niya upang pasukin ang mundo ng pag aartista.

Sa isang panayam ni Boy Abunda kay ysabel sa programang Tonight with Boy Abunda ay sinabi niya na Proud na Proud siya sa kanyang ama.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *