Siya si Alex Jazz, ang napakapoging anak ni Jennylyn at Patrick Garcia

Sinasabi na ang isa sa pinakamalaking pagbabago na mangyayari sa isang babae ay pag siya ay magdalang tao o mabuntis. Ang pagpapalaki ng anak ay isang malaking responsibilidad, ngunit sa ngayon ay maraming kabataan ang nakararanas ng maagang pagbubuntis na nagiging dahilan ng pagtigil sa pag-aaral at kahirapan.

Image courtesy: Jennylyn Mercado/Instagram



Ngunit ang iba naman ay ginagawang inspirasyon ang kanilang anak upang bumangon at magtagumpay sa buhay.

Isa na rito si Jennylyn Mercado, isang sikat na artista na produkto ng reality talent show na starstruck. Mabilis na namayagpag ang aktres dahil sa angkin nitong galing sa pag-arte, at sa kasagsagan ng kinang ng kanyang karera ay nabigla ang lahat ng mabalitaan na siya ay nagdadalang tao. Ang nakabuntis sa kanya ay ang kanya ring nobyo noon na si Patrick Garcia.

Nagkatambalan sa isang proyekto si Jennylyn at Patrick at unti-unti na ngang nahulog ang kanilang loob at hindi nagtagal ay nabuntis si Jennylyn. Isang malaking kontrobersya rin ang naganap habang nagdadalang tao si Jennylyn dahil nagkahiwalayan sila ng kanyang boyfriend na si Patrick Garcia na siyang ama ng kanyang anak.

Image courtesy: Jennylyn Mercado/Instagram



Nanatiling matatag si Jennylyn sa kabila ng lahat ng nangyari, hindi siya nagpaapekto sa mga negatibong komento ng mga tao at matapang na hinarap ang kanyang sitwasyon. Ginawa niyang inspirasyon ang kanyang anak upang pagbutihin pa ang kanyang trabaho para mabigyan niya ito ng maayos na kinabukasan.

Alex Jazz ang pangalan ng anak ni Jennylyn kay Patrick at siya ngayon ay 12-taong gulang na. Si Jennylyn narin ang tumayo na ama ni Jazz, ganun pa man ay napalaki niya itong mabuti at puno ng pagmamahal.

Hindi lang lumaking puno ng pagmamahal si Jazz, kasi sa edad niyang 12-taong gulang ay kita narin ang kanyang kagwapuhan at karisma na siguradong namana niya sa kanyang mga magulang.
Marami na ang nagsasabi na hindi malayong sumunod sa yapak ng kanyang mga magulang si Jazz dahil sa kanyang kagwapuhan na talaga nga namang pang artista.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *