Sila ang ilan sa mga artista na tumulong at nagbigay ng kanilang suporta sa mga taong naapektuhan sa Batangas

Maraming mga nakakatanda ang labis nalang ang takot na nararamdaman ng muling nagparamdam ang pag aalburoto ng bulkang taal. Huling nag alburoto ito noong 1965 na kung saan madami ang binawian ng buhay at mga bahay ang nasira ng dahil sa pagsabog nito.

Kaya ganun nalamang ang pakikipag bayanihan ng mga pilipino para mabigyan ng tulong ang mga kababayan nating nangangailangan sa mga evacuation center. Karamihan ng mga evacuees ay nasa Batangas lalo na sa Lipa at sa Nasugbu.



Kaya pati ang ibang mga artista ay nag kapit bisig upang maibigay ang pangangailangan ng mga evacuees.

Ilan sa mga kilalang artista ang nagbigay ng kanilang suporta at tulong sa mga evacuees matapos mag alburoto ng bulkang Taal:

1. Angel Locsin

Image courtesy: Google

Ilan lamang sa mga artistang tumulong ay pinangungunahan ng pinaka sikat na si Angel Locsin na pinaka kilala na mabilis umaksyon pagdating sa pagtulong sa kaniyang kapwa. Kasama niyang namahagi ng mga reliefs ang kanyang fiancée na si Neil Arce.

Binansagan din ang aktres na anghel sa Lupa dahil sa kakatanggap lang na isang parangal mula sa isang prestihisyosong organisation bilang “Asias Heroes of Philantrophy ng Forbes magazine na kung saan nagpapatunay lang ng kabutihang loob ng actres.

2.  Matteo Guidicelli

Image Courtesy: Instagram/matteog
Image Courtesy: Instagram/matteog

Isa din sa mga artistang tumulong ay si Mateo Guidicelli na kung saan ay isang miyembro ng hukbong sandataan ng bansang pilipinas.

3. Melai Cantiveros at Jason Francisco

Image Courtesy: Instagram/mrandmrsfrancisco

Nag post din sa kanilang social media ang mag asawang Melai at Jason na nag babalot ng mga bigas, de lata , tubig at iba pang reliefs kasama ang kanilang dalawa anak na babae .

Image Courtesy: Instagram/mrandmrsfrancisco



4. Jennica Garcia Uytingco

Isa rin si Jennica Garcia sa mga nagbigay ng donasyon sa mga evacuees. Kahit na kasalakuyang busy si Jennica ay hindi pa din nito nakalimutan ang tumulong sa kapwa. Nakipagtulungan ito sa Search and Rescue team na kung saan agad agad silang pumunta sa batangas upang mag hatid ng tulong sa mga evacuees.

Image Courtesy: Instagram/JennicaGarciaUytingco
Image Courtesy: Instagram/JennicaGarciaUytingco
Image Courtesy: Instagram/JennicaGarciaUytingco

5. Nadine Samonte

Image Courtesy: Instagram/Nadinesamonte

Si Nadine Samonte naman ay hindi na kinayang pumunta pa mismo sa Batangas kaya naman siya ay nagpadala nalang ng iba’t ibang uri ng Relief Goods na donasyon kay Jennica dahil hindi ito makapunta sapagkat walang magbabantay sa kaniyang mga anak.

6. Team Kramer

Ibinahagi rin ni Chesca Kramer ang kanilang donasyon kung saan nagbigay ang mga ito ng lumang damit nina Kendall, Gavin at Scarlett para sa mga bata sa mga evacuation center upang sila ay mayroong pampalit na mga damit. Naipadala ang mga donasyon ng Team Kramer sa tulong ni Matteo Guidicelli.

Image Courtesy: Instagram/chescakramer
Image Courtesy: Instagram/chescakramer

Ilan lamang sila sa mga artistang may ginintuang puso na tumulong sa mga evacuees. Sadyang nakaka antig ng puso na makitang nagkakaisa ang bawat pilipino upang matulungang maka ahon sa jirap at hinagpis ang ating mga kababayan. Nawa ay huwag tayong mapagod  tulungang makabangon ang isat isa sa oras ng sakuna.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *