Isinantabi muna ni Solenn ang diyeta at ehersisyo at pinagtuunan ang pagpaparami ng gatas para sa kanyang baby

Walang kasing cute si Solenn Heusaff at ang kanyang baby na si Thylane Katana nang i-post nito sa kanyang Instagram Account ang pinakaunang picture nila together ng kanyang baby girl sa asawang si Nico Bolzico.

Image Courtesy: Instagram/NicoBolzico



Maraming mga pagbabago ang pwedeng mangyari hindi lamang sa pisikal na pangangatawan ngunit pati sa emotional well being ng isang ina sa loob ng 9 na buwan nitong pagbubuntis.Gagawin nito ang lahat mabigyan lang ng magandang kinabukasan at pangangatawan ang kanilang mga baby.

Kaya ganun na lamang ang paghanga ng mga fans kay Solenn Heussaff nang ibahagi nito sa kanyang social media account na siya ay nagpapabreast feed sa kanyang unica hija habang ito ay nagpapagaling matapos manganak.

Image Courtesy: Instagram/NicoBolzico

Ibinahagi ni Solenn ang isang larawan kung saan makikita na pinapabre (a)stfeed nito si Baby Thylane kung saan ayon sa aktres ay ito isa sa pinakabest moments niya sa kaniyang buhay.

Naipanganak ni Solenn si baby Thylane through Cesarian Section kaya hindi akalain ng nakakarami na makakapag pa-bre (a)stfeed ito agad-agad dahil alam ng karamihan na hindi ganoon kadali na makarecover agad kung ang isang ina ay sumailalim sa C-section delivery.

Image Courtesy: Instagram/NicoBolzico



Ang ilang mga netizens ay nagtatanong kung paano pa makakapag-diet ngayon ang aktres matapos manganak subalit sumagot si Solenn na hindi muna raw ito maaaring mag-diet sa kasalukuyan dahil siya ay nagbre (a)stfeed pa.

Image Courtesy: Instagram/NicoBolzico

Hindi muna rin daw nito agad agad maipagpapatuloy ang pag-workout dahil nagpapahilom pa ito matapos niya sa C-section. Sa ngayon ay makikita na hands on parents sina Solenn at Nico sa kanilang anak kung saan madalas raw si Nico ang nagpapa-burp sa baby matapos nitong ma-bre (a)stfeed.

Image Courtesy: Instagram/Solenn

Naipanganak si Thylane Katana noong January 1, 2020 subalit naglabor na ito noong gabi pa lamang ng December 1, 2019. Unang araw palang ng pasok ng taong 2020 itinuturing na ng mag asawang Nico at Solenn na isa ito sa pinaka masaya at memorable na nangyari sa kanilang buhay.

Kaya ganun nalang din ka proud sakanya ang kanyang asawa na si Nico na lalong lumalim pa ang pag mamahal nito sa asawa.

Image Courtesy: Instagram/Solenn

 “Proud of you solenn for doing a bre (a)st feeding advocacy”, mensahe ni Nico sa aktres.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *