Ibinahagi ni Moira ang kanyang mensahe para sa kanyang asawa bilang pag-alala sa kanilang 1st Wedding Anniversary

Isang mensahe ang pinaabot ni Moira sa kanyang asawa na si Jason kasabay ng kanilang unang Anibersaryo bilang mag asawa. Ipinarating ng sikat na singer song writer na si Moira Dela Torre ang isang mensahe para sa kanyang asawa na si Jason Marvin Hernandez.

Image courtesy: Moira Dela Torre/Instagram



Ang mensahe ay pinost niya sa Instagram bilang pag-alala at pagbati sa kanyang asawa ng kanilang unang taon bilang magkabiyak. Hindi nila tinago ang kanilang pagpapakasal, naging hayag pa nga sila sa kwento ng kanilang pagmamahalan hanggang sa araw na sila ay ikinasal.

Isang napakagandang kwento ng pag ibig ang ibinahagi ng dalawa sa mga tao na tumututok sa kanilang kasal. Dahil nga dito ay hindi masyado naging tahimik ang kanilang unang taon ng pagsasama, buhat narin sa dami ng kanilang trabaho at pinagkakaabalahan.

Image courtesy: Moira Dela Torre/Instagram



Sa kabila nito ay lubos na nagpapasalamat si Moira sa kanyang asawa dahil sinisigurado umano ni Jason na sasalubungin siya nito ng mahigpit na yakap at pagmamahal sa tuwing siya ay uuwi sa kanilang bahay.

Sinabi rin ni Moira sa kanyang post sa Instagram na, “But with every high and every low, whether in victory or in disappointment, you made sure these eyes were what I woke up to and came home to every single day,”

Image courtesy: Moira Dela Torre/Instagram

Dagdag pa dito ni Moira ang kanyang lubos na pagpapasalamat sa kanyang asawa. Dahil sa kasikataan ng mga kanta ni Moira ay marami rin itong nagiging proyekto. Hinaharap niya ito ng buong tapang kasi alam niya na sa kabila ng pagod na nararamdaman niya sa mga nasabing proyekto ay mayroon siyang uuwiang bahay na puno ng pagmamahal, pagpapala, at pag intindi mula sa kanyang asawa. Alam ni Jason ang sitwasyon ng kanyang asawa kaya naiintindihan niya ito.

At meron din silang mga alagang cute na aso na nakakabawas sa stress na dulot ng trabaho.
Ang mag asawa ay ikinasal sa Tagaytay noong January 14, 2019.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *