Nagtagpo rin ang landas ng dalawang pinakamagandang babae ngayon sa Industriya na sina Liza Soberano at Catriona Gray

“Isang larawan na nag-uumapaw sa kagandahan!” Isa lamang ito sa mga reaksyon at komento ng mga netizen nang magkasama at magpose sa harap ng kamera ang ating Miss Universe 2018 at isa sa mga maituturing na may pinakamagandang mukha sa mundo ng showbiz at Kapamilya star na si Liza Soberano.

Image courtesy: StarCreatives/Instagram



Parehong blooming at talaga nga namang kabigha-bighani si Catriona at Liza nang sila ay ngumiti para sa kamera habang sila ay nasa isang kapamilya noontime show, sa “It’s Showtime!”

Ang pinagkakaguluhang larawan na iyon ay kuha noong Linggo, huling araw ni Catriona bilang host sa showtime at sakto rin na nagpromote si Liza ng kanyang parating na primetime telserye na “Make it With You.” Makakatambal niya dito ay walang iba kundi si Enrique Gil.

Ibinahagi ng Kapamilya Star Creatives ang larawan sa kanilang social media account at ito nga ay agad na pinag usapan at nagtrending dahil sa angkin nilang kagandahan. May caption ang larawan na, “When 2 QUEENS meet. @lizasoberano with Ms. Universe 2018 @catriona_gray earlier on @itsshowtimena!”

Image courtesy: Liza Soberano/Instagram



Isa pang post ang naglarawan sa kanila na “ang gagandang nilalang!” Ang larawan ay umani ng magaganda at positibong komento galing sa kanilang fans at mga netizens. Ang iba pa nga ay nagrequest na dapat magkaroon ng proyekto na magkasama ang dalawa, siguradong papatok ito ayon sa mga netizen.

Komento naman ng isang fan na, “Liza & Cat together is a sight to behold. Real queens!” Dagdag pa ng isang netizen “They look like sisters, omg.” Isa pang netizen ang may mahabang komento na nagsasabing, “I love both their feminine beauty. I love when women exude more of this feminine yet powerful energy.”

Image courtesy: Catriona Gray/Instagram

Kamakailan lamang ay pinuri ni Cat si Liza nang sabihan nito ang aktres na susunod ito sa kanyang yapak bilang Miss Universe. Sinabi ni Catriona na, “Everyone’s always wanted Liza to join, ‘di ba? She’s very, very beautiful. I feel like she would be wonderful.” Sa kabilang banda naman ay inilarawan ni Liza ang mga papuri sa kanya ni Cat na, “very flattering.”



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *